MMDA, muling hihingi ng tulong sa SolGen upang ma-justify sa korte ang pagpapatupad ng NCAP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na malaking bagay kung maipatutupad ang No Contact Apprehension Policy o NCAP.

Ito’y ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes ay lalo pa’t mahigpit nilang binabantayan ang mga designated bicycle lane sa EDSA.

Ayon kay Artes, kulang ang kanilang mga tauhan para bantayan ang lahat ng mga lalabag sa batas trapiko.

Gayunman, wala aniyang pinakamainam na solusyon kundi ang pagkakaroon ng disiplina ng mga motorista sa paggamit ng kalsada.

Kaya naman muli silang liliham sa Office of the Solicitor General upang muling ihirit sa Korte Suprema na maalis na ang Temporary Restraining Order o TRO ng Korte Suprema. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us