MPD, nakatutok pa rin sa nangyaring ‘shoot out’ sa Sta. Cruz, Manila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Manila Police District sa nangyaring ‘shoot out’ sa Sta. Cruz, Manila, nitong Biyernes ng gabi.

Ayon kay MPD District Director PBGen. Andre Dizon, inaalam nila ang background ng mga suspek kung may katotohanan nga ba na security guard ang nasawing salarin.

Sa ngayon ani Dizon ay nakumpirma nila na may mga kaso ang pumanaw na suspek.

Patuloy naman aniya ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga biktima partikular sa nadamay na bystander para magbigay ng kaukulang tulong.

Matatandaan na nakipagpalitan ng putok ang isang motorsiklo matapos maharang ng ‘Oplan Sita’ kung saan, patay ang driver ng motor habang arestado naman ang angkas nito. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us