MPD, umaksyon na sa ‘death threat’ na natatanggap ng isang broadcaster

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan nang pakilusin ni MPD top cop PBGen. Andre Dizon ang kanyang mga tauhan hinggil sa death threat na natanggap ng broadcaster na si David Oro.

Ayon kay Dizon, nakapag-usap na sila ni Oro hinggil sa death threat nito.

Dahi dito ay inatasan na ng heneral ang MPD Station 5 na i-secure ang concerned area.

Pinakilos na rin ni Dizon ang kanilang intel unit para magsagawa ng threat assessment gayundin ang pag-imbestiga sa posibleng motibo ng mga nasa likod ng pagbabanta.

Matatandaan na nakipag-ugnayan na rin si Oro sa Presidential Task Force on Media Security hinggil naturang banta sa kanyang buhay. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us