Navotas Chief of Police, sinibak na sa pwesto kaugnay ng Jemboy case

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinibak na sa pwesto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Brig. General Melencio Nartatez si Navotas City Chief of Police PCol. Allan Umipig.

Kasunod ito ng rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service (IAS) na sibakin sa pwesto ang naturang opisyal dahil sa dishonesty at command responsibility, sa pagkakapatay ng kanyang mga tauhan kay Jemboy Baltazar na napagkamalang suspek.

Ito’y matapos na matuklasan ng IAS sa kanilang imbestigasyon na inutusan umano ni Umipig ang team leader na tanggalin sa kanilang report ang 11 iba pang pulis na kasama din sa operasyon.

Bukod kay Umipig, sibak din sa pwesto ang hepe ng station investigation section ng Navotas police na si Police Capt. Juanito Arabejo at si Chief Master Sgt. Aurelito Galbez, na Chief Clerk.

Dahil naman ito sa kabiguan nila na magsumite ng paraffin test at hindi paghahanap at pagpreserba sa mga ebidensya. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us