Pagbibigay ng special treatment sa mga pulis na nakapatay sa napagkamalang suspek sa Navotas, itinanggi ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na walang special treatment na ibinibigay sa mga pulis na sangkot sa pagpatay sa isang menor de edad na napagkamalang suspek sa Navotas.

Paliwanag ni Fajardo, mismong si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang nangako na pabibilisin ng PNP ang pagresolba ng administrative cases para bigyan ng hustisya ang pamilya ng biktima na si Jemboy Baltazar.

Una na ring sinampahan ng kasong ‘reckless imprudence resulting in homicide’ ang mga pulis.

Kasabay nito, iniulat ni Fajardo na tuloy-tuloy ang pagdisiplina ng PNP sa kanilang mga miyembro na napatunayang nakagawa ng pagkakamali.

Sa katunayan aniya ay 583 pulis ang natanggal sa serbisyo mula Hulyo ng nagdaang taon hanggang sa kasalukuyang buwan.

Bukod dito, 129 pulis ang na-demote, habang 978 ang sinuspindi ng walang sahod dahil sa samu’t saring paglabag. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us