Pekeng doktor, arestado ng CIDG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaresto ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang Chinese national na nagpanggap na doktor.

Kinilala ni CIDG Director PMGen. Romeo Caramat Jr. ang suspek na si Haitao Gong, 34 na taong gulang.

Inaresto ang suspek matapos magreklamo ang biktimang si Jian Huang dahil sa umano’y “illegal practice of medicine” na isinasagawa ng suspek sa kaniyang clinic na “Avonnea Skin Care Center” sa Salamanca St., Poblacion, Makati City.

Nag-aalok umano ang suspek ng iba’t ibang cosmetic treatments at procedures sa kaniyang clinic.

Nang salakayin ng mga otoridad, huli sa akto ang pekeng doktor na nagsasagawa ng medical services sa kanyang pasyente.

Nang hingan ng katibayan, walang maipakitang dokumento at lisensya ang pekeng doktor.

Sa ngayon hawak na ng CIDG NCR ang suspek at nakatakdang ipagharap ng paglabag sa R.A. 2382 o Medical Act of 1959. | ulat ni Leo Sarne

📷: CIDG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us