PH ROTC Games 2023 Visayas leg, umarangkada na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umarangkada na ang Visayas Leg Qualifying Rounds ng Philippine ROTC Games sa Iloilo City nitong Linggo, Agosto 13.

Pinangunahan ni Sen. Francis Tolentino, Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann, Congressman Anthony Roland Golez Jr. na kinatawan ni Sen. Christopher “Bong” Go, Department of National Defense (DND) Asec. Henry Robinson Jr., Commission on Higher Education (CHED) executive director Cinderella Filipina Benitez-Jaro, Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr., at iba pang mga opisyales ang makulay na opening program ng Philippine ROTC Games Visayas Leg sa Iloilo Sports Complex.

Tampok sa opening program ang air assets ng Philippine Air Force gaya ng A-29B Super Tucano Aircraft at S7Oi Blackhawk helicopter na naglaglag ng confetti sa kalagitnaan ng programa.

Nagpakitang gilas rin ang mga kadete mula sa John B. Lacson Foundation Maritime University (JBLFMU) na nagsagawa ng kanilang silent drill.

Ayon kay Sen. Go, ang Phil. ROTC Games ay simbolo ng pagkakaisa, disiplina, at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor.

Dagdag pa niya, ang Phil. ROTC Games ay magpapalakas ng grassroots sports programs at tutulong sa paghubog ng mga kabataan na maaring magbigay ng karangalan sa bansa.

Mahigit 1,000 mga atletang kadete ang magtatagisan sa pitong sporting events sa Phil. ROTC Games Visayas Leg na tatakbo hanggang Agosto 19. | via Emme Santiagudo| RP1 Iloilo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us