Pitong kalsada, sarado pa rin sa mga motorista matapos masira dahil sa bagyong Goring

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling sarado sa lahat ng uri ng sasakyan ang pitong kalsada sa Region 1, Cordillera Administrative Region, Region 2 at Region 6 dahil sa epekto ng bagyong Goring.

Sa report na nakarating kay Public Works and Highways Sec. Manuel Bonoan, may mga kalsada na lubog sa baha, may mga landslide, nagbagsakan na mga bato at nasirang mga tulay.

Kabilang dito ang: Claveria-Calanasan-Kabugao Road sa Brgy. Ferdinand, Calanasan Apayao; Kennon Road sa Camp One, Tuba, Benguet; Dantay Sagada Road, Brgy. Antadao, Sagada, Mt. Province; at Baguio-Bontoc Road, Brgy. Sinto, Bauko, Mt. Province, na lahat ay nasa Cordillera Administrative Region.

Sa Region 1, hindi rin magamit ang Roxas Bridge, Vigan-San Vicente Road, Ilocos Sur.

Sa Region 2 naman, sarado din ang Gadu-Carilucud Nabbotuan-Palao-Macutay Road, Carilucud Detour Bridge, Solana, Cagayan

Habang sa Region 6 ay di nagagamit ang Iloilo-Antique Road, Brgy. Igbucagay, Hamtic, Antique.

Samantala, limitado naman sa mga motorista ang ilang mga kalsada tulad ng: Jct Talubin-Barlig-Natonin-Paracelis-Calaccad Road sa Bry. Sta. Isabel, Natonin, Mt.Province; Vigan Bridge 1 anld 2 sa Bantay-Vigan Road ng Brgy. 1, Vigan City, Ilocos Sur; ilang bahagi ng Pias – Currimao – Balaccad Road sa, Ilocos Norte; Batac – Espiritu o Banna Road, Ilocos Norte ; Laoag-Sarrat-Piddig-Solsona Road sa Ilocos Norte; Pinili – Nueva Era Road sa Ilocos Norte; at Nasugbu-Lian-Calatagan Road, Brgy. Putting Kahoy, Lian, Batangas,

Sabi ni Bonoan, inatasan niya ang mga regional at district engineer na madaliin ang mga clearing operation at pagkukumpuni ng mga kalsada at tulay para agad itong magamit ng mga motorista. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us