Patuloy ang pagkakaloob ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng “Rest and Recreation Flights” para sa mga tropa sa Sulu.
Huling nakinabang sa libreng sakay sa Philippine Air Force C-130 aircraft ang 23 military personnel at tatlong dependent ng 11th Infantry “Alakdan” Division.
Ang mga ito ay lumipad mula sa Jolo Airport, Jolo, Sulu patungo ng Metro Manila nitong Martes.
Sa isang statement, nagpasalamat si 11th Infantry Division Commander Major General Ignatius Patrimonio sa AFP sa pagkakaloob ng “Rest and Recreation Flight” sa mga tropa para makapagbakasyon matapos magsilbi ng ilang buwang “peace and security duty” sa Sulu.
Ipinapakita aniya nito ang pagmamalasakit ng AFP sa morale ng mga tropa.
Tiniyak naman ni Maj. Gen. Patrimonio na patuloy na magsisikap ang 11ID para makamit ang “inclusive peace” sa Sulu. | ulat ni Leo Sarne
: 11ID