Seguridad sa gaganaping FIBA World Cup sa August 25, nakalatag na — NCRPO

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakalatag at handa na ang National Capital Region Police Office o NCRPO sa pagdating ng mga delegado sa gaganaping FIBA World Cup sa darating na August 25.

Ayon kay NCRPO Acting Regional Director Police Brigader General Jose Nartatez Jr na nakalatag na ang security measures sa pagdating ng mga delegado sa Philippine Arena at iba pang gaming venue sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City at Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Isa sa gagamitin bilang express lane ang EDSA busway upang maging mabilis ang pag-transport ng mga delegado papunta sa mga venue ng FIBA World Cup.

Muli namang siniguro ni Nartatez sa publiko na magiging maayos ang gagawing seguridad ng NCRPO sa mga manlalaro mula pagdating sa bansa hanggang sa kanilang accommodation at patungo sa kanilang gaming venues. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us