Sen. Tolentino, Dela Rosa, at Padilla, nag-inspeksyon sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison

Facebook
Twitter
LinkedIn

Upang mas makita ang sitwasyon sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison (NBP) nag-inspeksyon si Senador Francis Tolentino, Senador Bato Dela Rosa, at Senador Robin Padilla sa Maximum Secuirty Compound ng NBP kahapon.

Matapos ang hearing na isinagawa sa mga issue ng NBP at Bureau of Corrections (BuCor), sinilip ng tatlong senador ang kalagayan ng persons deprived of liberty (PDL).

Una nilang inikot ang kitchen ng Maximum Compound kung saan nakita nito ang proseso ng pagkain ng mga bilanggo mula sa pagsaing hanggang sa uulamin ng mga ito.

Sunod naman na tinungo ng mga mambabatas ang hallway ng mga piitan kung saan kinumusta ng mga ito ang mga PDLs sa loob ng naturang compound.

Pinuntahan din nila ang septic tank kung saan nakita ang buto na hininalang si Micheal Angelo Cataroja na nauna nang sinabi ng medico legal ng National Bureau of Investigation (NBI) na posibleng buto ng manok ang nakita sa septic tank.

Samantala, positibo naman ang naging tingin ng mga senador sa kanilang nakita dahil mas malinis ani Dela Rosa ang mga pasilidad sa Maximum Security Compound. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us