Halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ng bagyong Goring, umakyat pa sa mahigit P500M – DA  

Lumobo pa sa P504.4 milyon ang inisyal na halaga ng pinsala ng bagyong Goring sa sektor ng agrikultura. Ayon sa Department of Agriculture DRRM Operations Center, nasa 11,965 ang bilang ng mga magsasaka na naapektuhan; habang nasa 21,134 metriko tonelada ang nasirang produksyon; at 19,659 na ektaryang lupain ang napinsala. Ito ay batay sa inisyal… Continue reading Halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura ng bagyong Goring, umakyat pa sa mahigit P500M – DA  

Pangulong Marcos Jr., hinimok ang publiko na isuplong ang retailers na hindi sumusunod sa price ceiling sa presyo ng bigas

Sa pagharap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa media kanina, matapos ang opisyal na deklarasyon ng probinsya ng Palawan bilang insurgency-free, ay hinimok nito ang mga mamamayan na isuplong sa mga kinauukulan ang mga hindi sumusunod sa itinakdang price ceiling kaugnay sa presyo ng bigas. Aniya, sa kanyang inilabas sa Executive Order No. 39,… Continue reading Pangulong Marcos Jr., hinimok ang publiko na isuplong ang retailers na hindi sumusunod sa price ceiling sa presyo ng bigas

Pamilya ng ilang nasawi sa sunog sa Quezon City, sumailalim sa DNA test

Dumulog sa tanggapan ng Philippine National Police (PNP) Forensic Group sa Kampo Crame ngayong araw, ang mga umano’y kaanak ng ilang nasawi sa sumiklab na sunog sa Quezon City, kahapon. Dito, sumalang sila sa DNA testing upang makumpirma kung kaanak nga nila ang ilan sa mga nasunog na bangkay, upang makuha ito sa punerarya at… Continue reading Pamilya ng ilang nasawi sa sunog sa Quezon City, sumailalim sa DNA test

Senado, target na maipasa ang panukalang legislated wage hike bago matapos ang taon

Nangako si Senate President Juan Miguel Zubiri na bago matapos ang taon ay ipapasa na nila sa Senado ang panukalang legislated wage hike para sa lahat ng mga manggagawa sa bansa. Binigyang diin ni Zubiri, na tumaas na ang cost of living sa buong Pilipinas at kailangang i-adjust ang sweldo ng mga manggagawa para magkaroon… Continue reading Senado, target na maipasa ang panukalang legislated wage hike bago matapos ang taon

Bilang ng mga nag-enroll para sa School Year 2023-2024, umabot na sa mahigit 25 milyon – DepEd  

Nadagdagan pa ang bilang ng mga estudyante na nag-enroll para sa School Year 2023-2024. Ayon sa Department of Education (DepEd), umabot na sa 25.063 milyon ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral ang nag-enroll ngayong school year. Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Learner Information System Quick Count hanggang ngayong September 1. Pinakamarami ang nakapagpatala… Continue reading Bilang ng mga nag-enroll para sa School Year 2023-2024, umabot na sa mahigit 25 milyon – DepEd  

Higit 140 LGU sa bansa, wala pa ring istasyon ng bumbero

Nasa 143 lokal na pamahalaan sa bansa ang wala pa ring fire station o istasyon ng bumbero. Ito ang lumabas sa pagtalakay ng panukalang pondo ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at attached agencies nito para sa susunod na taon. Ayon kay BFP Chief Louie Puracan sa 1,634 bayan at munisipalidad sa… Continue reading Higit 140 LGU sa bansa, wala pa ring istasyon ng bumbero

Pilipinas, consistent sa pagdepensa sa teritoryo nito sa WPS, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Hindi nagbabago ang approach ng Pilipinas sa pagdepensa at pagbibigay-diin sa mga islang sakop ng teritoryo ng bansa. Sa isang ambush interview sa Palawan, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kung mayroon mang nagbago, ito ay ang approach ng mga bansang nakapalibot sa bansa. “Now of course, we’ll continue to defend our territorial… Continue reading Pilipinas, consistent sa pagdepensa sa teritoryo nito sa WPS, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Chief of Police ng Rodriguez sa Rizal, sinibak kasunod ng pagpatay ng tauhan nito sa isang menor de edad

Kinumpirma ni Police Regional Office 4A o CALABARZON Director, Police Brigadier General Carlito Gaces ang pag-alis sa puwesto kay Rodriguez, Rizal Chief of Police na si Police Lieutenant Colonel Ruben Piquero. Paliwanag ni Gaces, bahagi ito ng command responsibility kasunod ng nangyaring pamamaril ni Police Corporal Arnulfo Sabillo sa 15 anyos na si John Francis… Continue reading Chief of Police ng Rodriguez sa Rizal, sinibak kasunod ng pagpatay ng tauhan nito sa isang menor de edad

Dalawang kilo ng Shabu, naharang sa pantalan ng Surigao City

Nakumpiska ng joint law enforcement team ang humigit-kumulang dalawang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P13 million, sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Lipata Port, Purok 1, Barangay Lipata, Surigao City. Ayon sa Philippine Coast Guard K9 Force, nahuli rin ang tatlong suspek habang nasa akto ng pagbebenta ng iligal na droga. Itinurn over… Continue reading Dalawang kilo ng Shabu, naharang sa pantalan ng Surigao City

Publiko, pinayuhanan ni Pangulong Marcos Jr. na ipagbigay-alam sa otoridad ang mga makikitang lalabag sa itinakdang price ceiling sa bigas

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na nakabantay ang pamahalaan sa implementasyon ng Executive Order no. 39, na nagtatakda ng price ceiling sa bigas sa buong bansa, upang masiguro ang access ng publiko sa pagkain, sa gitna ng pagsipa ng presyo ng bigas sa merkado. Sa isang ambush interview sa Palawan, sinabi ng Pangulo… Continue reading Publiko, pinayuhanan ni Pangulong Marcos Jr. na ipagbigay-alam sa otoridad ang mga makikitang lalabag sa itinakdang price ceiling sa bigas