World Peace Bell, muling pinatunog ngayong National Peace Consciousness Month

Nagtipon-tipon ang iba’t ibang opisyal mula sa National at Bangsamoro Government, pati mga kinatawan mula sa local at international peace partners para sa pagdiriwang ng National Peace Consciousness Month. Pinangunahan nina Presidential Peace Adviser Secretary Carlito G. Galvez, Jr., Quezon City Mayor Joy Belmonte, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Senior Minister Abunawas… Continue reading World Peace Bell, muling pinatunog ngayong National Peace Consciousness Month

Laban ng administrasyong Marcos kontra malnutrisyon, pinasinayaan na

Inilunsad na ng Administrasyong Marcos ang programang pang-nutrisyon para sa taong 2023-2028 sa pamamagitan ng DOH, DOST, DILG at National Nutrition Council. Ayon kay Jovita Raval, Deputy Executive Director for Technical Services ng National Nutrition Council, layon ng PPAN o Philippine Plan of Action for Nutrition 2023-2028 na tugunan ang problema sa malnutrisyon at maging… Continue reading Laban ng administrasyong Marcos kontra malnutrisyon, pinasinayaan na

Philippine Rice Emergency Response Act, inihain sa Kamara

Photo courtesy of Rep. Stella Quimbo FB page

Itinutulak ni Marikina Representative Stella Quimbo ang panukala na layong protektahan ang mga mamimili, magsasaka at retailers oras na magkaroon muli ng problema sa suplay at presyuhan ng bigas sa Merkado. Punto ni Quimbo, napapanahon ang panukala lalo at dumoble nitong Agosto ang rice inflation sa 8.7% mula sa 4.2% noong Hulyo. Maliban pa ito… Continue reading Philippine Rice Emergency Response Act, inihain sa Kamara

CSC at ARTA, nagkasundo para pahusayin pa ang ‘anti-red tape reforms’

Nagkasundo ang Civil Service Commission at Anti-Red Tape Authority na pahusayin pa ang ‘anti-red tape reforms’ at paunlarin ang ‘ease of doing business’ sa sektor ng gobyerno. Isang memorandum of agreement ang nilagdaan ng dalawang ahensiya para sa pagtiyak ng epektibong implementasyon ng R.A. No. 11032. Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, sa ilalim ng… Continue reading CSC at ARTA, nagkasundo para pahusayin pa ang ‘anti-red tape reforms’

DOH, tiwalang matutuldukan ang malnutrisyon sa bansa

Kumpiyansa si Health Sec. Ted Herbosa na matatalo ng Marcos administration ang malnutrisyon sa bansa. Ayon kay Herbosa, kaya ng bansa na matuldukan ang naturang problema dahil sa mga proyekto nito gaya ng food stamp program. Panlaban din aniya ang ‘daycare feeding’ ng pamahalaan. Kumpiyansa si Herbosa dahil din sa ilang bansa sa mundo ang… Continue reading DOH, tiwalang matutuldukan ang malnutrisyon sa bansa

495 PDLs, nakiisa sa food security program ng pamahalaan — BuCor

Nakiisa ang nasa 495 Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa iba’t ibang penal farms ng Bureau of Corrections (BuCor) sa bansa sa food security program ng national government. Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., layon ng kanilang programa na maging sufficient ang bawat penal farms na hawak ng Bureau Corrections sa mga… Continue reading 495 PDLs, nakiisa sa food security program ng pamahalaan — BuCor

Mga residenteng apektado ng mga pagbaha sa Bulacan, nahatiran ng tulong ng Philippine Red Cross

Tuloy-tuloy ang pagtulong ng Philippine Red Cross (PRC) sa ating mga kababayan na nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa bansa. Namahagi ang PRC ng tulong sa mga residente na kasalukuyang tumutuloy sa mga evacuation center sa Barangay Gugo at Barangay Meysulao sa Calumpit, Bulacan. Nasa 150 na mga indbidwal ang nakatanggap ng hot meals mula… Continue reading Mga residenteng apektado ng mga pagbaha sa Bulacan, nahatiran ng tulong ng Philippine Red Cross

DOJ, kumikilos na rin para kasuhan ang mga hindi susunod sa price ceiling sa bigas

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na may kalalagyan ang mga negosyante na hindi susunod sa itinakda ng price ceiling sa bigas. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, marami silang isasampang kaso kung patuloy na mananamantala ang mga negosyante sa ganitong pagkakataon. Posibleng maharap sa kasong economic sabotage ang mga negosyante na mapapatunayan nilang… Continue reading DOJ, kumikilos na rin para kasuhan ang mga hindi susunod sa price ceiling sa bigas

Barangay Chair sa Taal, Batangas, patay sa pamamaril

Patay matapos pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek ang chairperson ng Barangay Poblacion Zone 10 sa Taal, Batangas. Sa ulat ng Taal Municipal Police Station (MPS) na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Erasmo Divino Hernandez. Base sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente kaninang 7:20 ng umaga habang nakaupo ang biktima… Continue reading Barangay Chair sa Taal, Batangas, patay sa pamamaril

Karinderya sa Ilocos Norte, damang-dama ang EO#39

Mas mabubuhayan ang mga karinderya sa Ilocos Norte dahil sa implementasyon ng Executive Order #39 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kung saan bumaba ang presyo ng bigas sa P41-P45 ng regular milled at well-milled rice. Ayon kay Mrs. Cristina Pasana, may-ari ng Hayati’s Eatry sa Brgy. 5 bayan ng San Nicolas, malaking tulong ang… Continue reading Karinderya sa Ilocos Norte, damang-dama ang EO#39