Kamara, nakikipag-ugnayan na sa DSWD para sa pamamahagi ng ayuda sa mga rice retailer

Kinumpirma ni Appropriations Committee Chair Elizaldy Co na nakipag-ugnayan na ang Kamara kay DSWD Sec. Rex Gatchalian para sa pagbibigay ng subsidiya sa rice retailers. Aniya, nakausap na rin niya ang Department of Budget and Management para sa P2 billion na ayudang nilalatag ng Kamara na posibleng kunin sa ‘unprogrammed funds’. “Well, yung sa rice… Continue reading Kamara, nakikipag-ugnayan na sa DSWD para sa pamamahagi ng ayuda sa mga rice retailer

Sapat na pagkain at tulong sa mga magsasaka, tiniyak ng NEDA

Tiniyak ng National Economic and Development Authority o NEDA na palalakasin ng pamahalaan ang mga hakbang upang matamo ang sapat na suplay ng pagkain gayundin ang tulong sa mga magsasaka sa bansa. Inihayag ito ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan makaraang magtala ang Pilipinas ng 5.3 percent inflation rate nitong Agosto mula sa 4.7 percent noong… Continue reading Sapat na pagkain at tulong sa mga magsasaka, tiniyak ng NEDA

PNP-ACG, binalaan ang publiko sa bagong ‘task scam’ sa social media

Binalaan ng Philippine National Police-Anti Cybercime Group (PNP-ACG) ang publiko na mag-ingat sa bagong “task scam” na lumalaganap sa social media. Ayon kay ACG Spokesperson Police Captain Michelle Sabino, target ng scam ang mga naghahanap ng trabaho o karagdagang kita online. Sa pamamagitan ng social media ads, pinapangakuan ng scammer ang mga biktima ng “easy… Continue reading PNP-ACG, binalaan ang publiko sa bagong ‘task scam’ sa social media

Pondo ng Office of the President, lusot na appropriations committee

Pinangunahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang presentasyon ng panukalang budget ng Office of the President para sa 2024. Lagpas sampung minuto ang tinagal ng budget briefing ng OP. Si Abra Rep. Ching Bernos ang nag-mosyon na i-terminate ang budget briefing bilang kurtesiya sa ehekutibo na co-equal branch. Pinagbigyan naman ng pagkakataon ang miyembro ng… Continue reading Pondo ng Office of the President, lusot na appropriations committee

Motorcycle rider, nahulihan ng baril sa checkpoint sa North Cotabato

Arestado ang isang motorcycle rider sa checkpoint operations ng militar at pulisya kaugnay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Kinilala ang nahuli na si Jomar Kalaing, 33 taong gulang, driver ng Notre Dame of Midsayap College at residente ng Upper Labas, Midsayap, North Cotabato. Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao… Continue reading Motorcycle rider, nahulihan ng baril sa checkpoint sa North Cotabato

Pamamahagi ng tulong sa mga apektadong small rice retailer, target na masimulan ng DSWD sa susunod na linggo

Handa na ang Department of Social Welfare and Development para sa nationwide rollout ng ayuda sa mga maliliit na rice retailer na apektado ng EO 39. Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., gagamitin ng ahensya ang Sustainable Livelihood Program (SLP) para matulungan ang mga maliliit na retailer… Continue reading Pamamahagi ng tulong sa mga apektadong small rice retailer, target na masimulan ng DSWD sa susunod na linggo

Inflation, bumilis sa 5.3% para sa buwan ng Agosto — PSA

Iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbilis sa headline inflation o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa para sa buwan ng Agosto. Sa ulat ni PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, bumilis sa 5.3% ang inflation nitong Agosto, mula sa 4.7% noong Hulyo. Dahil dito, ang average inflation… Continue reading Inflation, bumilis sa 5.3% para sa buwan ng Agosto — PSA

Sabayang pagsasanay ng Phil. Navy at Royal Malaysian Navy sa Davao, nagsimula na

Pormal na nagbukas ang sabayang pagsasanay ng Philippine Navy (PN) at Royal Malaysian Navy (RMN) na binansagang MALPHI LAUT 24/23 sa Naval Station Felix Apolinario, Panacan, Davao City kahapon. Sa kanyang mensahe sa opening ceremony, sinabi ni Naval Forces Eastern Mindanao Commander Commodore Carlos V. Sabarre na ang aktibidad ay testamento ng matatag na kooperasyon… Continue reading Sabayang pagsasanay ng Phil. Navy at Royal Malaysian Navy sa Davao, nagsimula na

VP Sara, binigyang-pugay ang mga guro ngayong National Teacher’s Month

Binigyang-pugay ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte ang mahalagang papel ng mga guro ngayong National Teacher’s Month. Kaalinsabay nito, nagsagawa ng tree planting activity ang Office of the Vice President sa 10 OVP satellite offices nito. Partikular na sa Dagupan, Isabela, Region V, Cebu, Bacolod, Tacloban, Davao, Surigao, Zamboanga at sa Bangsamoro Autonomous… Continue reading VP Sara, binigyang-pugay ang mga guro ngayong National Teacher’s Month

Muntinlupa City LGU, namahagi ng school kits, bags, sapatos sa mga mag-aaral sa lungsod

Namahagi ang lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ng school kits, bags, at sapatos sa lahat ng mag-aaral sa lungsod. Pinangunahan mismo ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon ang pamamahagi ng mga sapatos, bag, at school kit sa Cupang Elementary School at Cupang High School. Ayon sa alkalde, layon ng kanilang pamamahagi ng mga kagamitan sa… Continue reading Muntinlupa City LGU, namahagi ng school kits, bags, sapatos sa mga mag-aaral sa lungsod