Department of Migrant Workers, nagbabala sa publiko vs. online love scams

Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa publiko kaugnay sa kanilang mga aktibidad sa social media, dahil sa tumataas na bilang ng mga online romance swindling scheme o panghuhuthot na target ang mga overseas Filipino worker (OFW). Ito ay matapos na maiulat ang nangyari sa isang Pinay OFW na nakabase sa Switzerland at nabiktima… Continue reading Department of Migrant Workers, nagbabala sa publiko vs. online love scams

Speaker Romualdez, suportado ang panawagan ni Pangulong Marcos Jr. na magkaisa ang ASEAN para mapahupa ang tensyon sa South China Sea

Tinukuran ni Speaker Martin Romualdez ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa 43rd ASEAN Summit, na magkaisa ang ASEAN member states upang maisulong ang rules-based order para mapreserba ang kapayapaan at mapahupa ang tensyon sa South China Sea. Sa naging retreat session ng ASEAN Summit, binigyang halaga ni Pangulong Marcos ang natatanging regional… Continue reading Speaker Romualdez, suportado ang panawagan ni Pangulong Marcos Jr. na magkaisa ang ASEAN para mapahupa ang tensyon sa South China Sea

5 sa 28 Chinese nationals na sangkot sa iligal na operasyon ng POGO sa Pasay City, binasahan na ng sakdal

Pormal nang nabasahan ng sakdal sa Pasay City Regional Trial Court Branch 111 ang 5 sa 28 dayuhan na itinuturong sangkot sa iligal na operasyon ng isang POGO hub sa Pasay City. Kaugnay ito sa ipinagharap na kasong paglabag sa Section 20.1 ng Republic Act o RA 8799 o ang Security Regulations Code bukod pa… Continue reading 5 sa 28 Chinese nationals na sangkot sa iligal na operasyon ng POGO sa Pasay City, binasahan na ng sakdal

Scam na gumagamit sa pangalan ng PPA, ibinabala ng ahensya

Nagbabala ang Philippine Ports Authority (PPA) sa publiko hinggil sa isang scam na gumagamit ng pangalan nito. Ayon sa reklamong natanggap ng PPA, liban sa kanilang pangalan ay ginagamit din ng naturang scam ang kanilang logo. Dahil dito ay nagpaalala ang PPA na wala silang transaksyon pagdating sa mga delivery at package na kailangan bayaran… Continue reading Scam na gumagamit sa pangalan ng PPA, ibinabala ng ahensya

Pag-repeal sa anti-agricultural smuggling act, nirerekomenda ng Senate Panel

Nilabas na ng Senate Committee on Agriculture katuwang ang Committees on Justice at Finance at Ways and Means ang report nito tungkol sa isyu ng agricultural smuggling sa bansa. Sa ilalim ng Committee Report 118, nirerekomenda ang pag-repeal sa Republic Act 10845 at pagkonsidera sa Senate Bill 2432. Sa ilalim ng panukala ay mas idedetalye… Continue reading Pag-repeal sa anti-agricultural smuggling act, nirerekomenda ng Senate Panel

Sen. Raffy Tulfo, naghain ng panukala para maisabatas ang ‘no collection policy’ sa mga pampublikong paaralan

Ipinapanukala ni Senador Raffy Tulfo na maisabatas na ang pagbabawal sa mandatory na pangongolekta ng anumang bayad o kontribusyon mula sa mga estudyanteng nag-aaral sa mga pampublikong paaralan. Sa paghahain ng Senate Bill 2420, iginiit ni Tulfo na ang mga nag-aaral sa pampublikong paaralan ay mula sa mga pinakamahihirap na pamilya sa bansa, at maaaring… Continue reading Sen. Raffy Tulfo, naghain ng panukala para maisabatas ang ‘no collection policy’ sa mga pampublikong paaralan

DSWD at DTI, nagpulong na para sa economic relief subsidy ng mga rice retailers

Nagpulong ngayong hapon si DSWD Rex Gatchalian at DTI Undersecretary Carol Sanchez sa DSWD Central Office sa Quezon City. Sa ulat ng DSWD, tinalakay ng dalawang opisyal ang pagpapatupad ng Economic Relief Subsidy para sa maliliit na rice retailers na apektado ng Executive Order 39, o mandated price ceiling sa bigas. Nauna nang sinabi ni… Continue reading DSWD at DTI, nagpulong na para sa economic relief subsidy ng mga rice retailers

Umaabot sa 5,000 trabaho, bubuksan mula sa P4-billion na Nidec Subic Investment

Inaasahang bubuksan ang 5,000 trabaho ng Nidec Subic Philippine Corporation, mula sa P4.2 billion expansion project nito. Isang simpleng awarding ceremony ang ginanap upang igawad ang Certificate of Registration (COR) with Incentives, sa ilalim ng CREATE law sa Japanese company na Nidec Subic Philippines Corporation. Sinabi ni Takeshi Yamamoto, sa kasalukuyan may 633 na mga… Continue reading Umaabot sa 5,000 trabaho, bubuksan mula sa P4-billion na Nidec Subic Investment

Fuel subsidy, agad na maibababa sa beneficiaries sa oras na matanggap na ng LTFRB ang budget para dito

Hinihintay na lang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maibaba sa kanilang tanggapan ang pondo para sa fuel subidy ng mga driver at operators ng pampublikong sasakyan. “Kaya po medyo na-delay ito dahil po may mga ibang requirements lang po na hiningi ang DBM na nai-comply na po natin. So, sa ngayon… Continue reading Fuel subsidy, agad na maibababa sa beneficiaries sa oras na matanggap na ng LTFRB ang budget para dito

Case rate para sa Konsulta Package ng PhilHealth, pinatataasan

Hiniling ng isang mambabatas sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), na taasan naman ang kanilang case rate sa konsulta package. Ayon kay Anakalusugan Party-list Representative Ray Reyes, iilang ospital, clinic at doktor lang ang nakikibahagi sa programa dahil sa P500 lang ang case rate para dito. Ang halaga, sapat lang para sa doctor’s fee at… Continue reading Case rate para sa Konsulta Package ng PhilHealth, pinatataasan