PNP, magpapasaklolo na sa INTERPOL para isilbi ang warrant of arrest laban kay dating Rep. Arnulfo Teves Jr.

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa iba’t ibang ahensya gayundin sa International Police (INTERPOL). Ito’y para sa ikadarakip ni dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnulfo Teves Jr. at 12 iba pa, matapos maglabas ng warrant of arrest ang Manila Regional Trial Court Branch 51 kaugnay sa kasong murder, frustrated at attempted murder.… Continue reading PNP, magpapasaklolo na sa INTERPOL para isilbi ang warrant of arrest laban kay dating Rep. Arnulfo Teves Jr.

Pagpapaigting ng market monitoring kasunod ng inflation rate na naitala nitong Agosto, ipinangako ng Malacañang

Makakaasa ang publiko na paiigtingin ng pamahalaan ang price monitoring nito sa bigas, kasunod ng pagbilis ng inflation nitong buwan ng Agosto, na nasa 5.3% mula sa 4.7% noong Hulyo. Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, base sa ulat ng National Economic and Development Authority (NEDA), ang presyo ng bigas ay malaki ang iniambag sa… Continue reading Pagpapaigting ng market monitoring kasunod ng inflation rate na naitala nitong Agosto, ipinangako ng Malacañang

Mahigit 100 magsasaka na apektado ng ASF sa Iloilo, ipapailalim ng Sentineling Program ng DA

Mahigit 100 magsasaka na apektado ng African Swine Fever (ASF) mula sa tatlong munisipalidad sa probinsya ng Iloilo ang unang maka-avail ng sentineling program ng Department of Agriculture (DA). Tatlo pa lang sa 27 munisipalidad sa probinsya na apektado ng ASF ang halos nakakumpleto ng ‘requirements’ para sa programa. Ang tatlong munisipalidad ay ang Santa… Continue reading Mahigit 100 magsasaka na apektado ng ASF sa Iloilo, ipapailalim ng Sentineling Program ng DA

2 kasabwat ng mga suspek sa pagpatay sa isang Brgy. Kapitan sa Taal, Batangas, arestado na – PNP

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakaaresto sa dalawang kasabwat ng mga nasa likod ng pamamaril at pagpatay sa Barangay 10 Chairperson Erasmo Hernandez ng Taal, Batangas kahapon. Sa pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong hapon, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, na pormal na ring nasampahan ang mga… Continue reading 2 kasabwat ng mga suspek sa pagpatay sa isang Brgy. Kapitan sa Taal, Batangas, arestado na – PNP

P200 million, ipinagkaloob ng Office of the President sa Philippine Orthopedic Center

Nagbaba ng P200 million na financial assistance ang Office of the President (OP) sa Philippine Orthopedic Center (POC), bilang bahagi ng hakbang ng administrasyon na gawing prayoridad ang health sector ng bansa. Ayon kay POC Medical Center Chief Dr. Jose Pujalte Jr., ang financial assistance na ito ay makatutulong sa pag-sustain ng operasyon ng ospital,… Continue reading P200 million, ipinagkaloob ng Office of the President sa Philippine Orthopedic Center

Pamahalaang panlalawigan ng Zamboaga del Sur, may access na sa paggamit ng Listahan 3 ng DSWD-9

May access na ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zamboanga del Sur sa paggamit ng Listahanan 3 ng Department of Social Welfare and Development Region-9 (DSWD-9). Ito’y matapos nilagdaan ng dalawang tanggapan ang Memorandum of Agreement (M.O.A.) sa paggamit ng Listahanan-identified poor households data sa lalawigan. Katuwang na ngayon ng DSWD ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zamboanga del… Continue reading Pamahalaang panlalawigan ng Zamboaga del Sur, may access na sa paggamit ng Listahan 3 ng DSWD-9

4,000 plantilla positions ng mga nurse, ‘di mapunan dahil walang aplikante – Health Sec. Herbosa

Hiniritan ni Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang Department of Health (DOH), na ibigay na lang sa may higit 13,000 contractual nurses ang nasa 4,000 bakanteng plantilla position sa government hospitals. Ayon kay Castro, 4,000 ang plantilla positions para sa mga nurse sa pampublikong ospital ang hindi pa rin napupunan.… Continue reading 4,000 plantilla positions ng mga nurse, ‘di mapunan dahil walang aplikante – Health Sec. Herbosa

JICA, tiniyak ang patuloy na suporta sa mga proyekto at inisyatibo sa railway sector ng bansa

Tiniyak ng Japan International Cooperation Agency (JICA) na patuloy nitong susuportahan ang mga proyekto at inisyatiba sa railway sector ng bansa. Ito ay matapos ang ginawang pagbisita ng mga opisyal ng JICA at Philippine Railway Institute (PRI) sa tanggapan ng Light Rail Transit Authority (LRTA). Layon nitong palakasin pa ang ugnayan ng tatlong institusyon. Sa… Continue reading JICA, tiniyak ang patuloy na suporta sa mga proyekto at inisyatibo sa railway sector ng bansa

LTO, nangako na susuriin ang pagpapatupad ng Temporary Operator’s Permit

Nangako si Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza II, na susuriin ang patakaran ng ahensya pagdating sa pagpapatupad ng Temporary Operator’s Permit (TOP). Tugon ito ni Mendoza sa naging pahayag ni 1-RIDER Party-list Representative Bonifacio Bosita sa budget deliberation ng Department of Transportation (DOTr), tungkol sa hindi naipapatupad ng maayos ang Temporary Operator’s Permit.… Continue reading LTO, nangako na susuriin ang pagpapatupad ng Temporary Operator’s Permit

Magnitude 4.7 na lindol, yumanig sa ilang bahagi ng Davao

Niyanig ng magnitude 4.7 ang ilang bahagi ng Davao region kaninang alas 3:51 ng hapon. Base sa impormasyon ng DOST Phivolcs, naitala ang epicenter nito sa Davao City na may lalim na 30km sa ilalim ng lupa. Naramdaman ang Intensity IV sa Davao City, Kidapawan City, Cotabato. Habang Intensity III naman sa Antipas, President Roxas… Continue reading Magnitude 4.7 na lindol, yumanig sa ilang bahagi ng Davao