Bagong Western Mindanao Command chief, itinalaga ni Gen. Brawner

Pormal na iniluklok ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner bilang bagong Commander ng Western Mindanao Command (WesMinCom) si dating Philippine Army Vice Commander Maj. Gen. Steve D. Crespillo. Isinagawa ang Change of Command Ceremony sa headquarters ng WesMinCom sa Camp Navarro, Zamboanga City kahapon. Dito’y pinalitan ni MGen.… Continue reading Bagong Western Mindanao Command chief, itinalaga ni Gen. Brawner

Food Stamp Program, pinamamadali ng NEDA sa DSWD bilang tugon sa pagbilis ng inflation

Pinamamadali ngayon ng National Economic and Development Authority o NEDA ang pagpapatupad ng Food Stamp Program ng Department of Social Welfare and Development o DSWD. Inihayag ito ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan makaraang maitala ng Philippine Statistics Authority o PSA ang pagbilis ng inflation rate sa 5.3% nitong Agosto kumpara sa 4.7% noong Hulyo. Binigyang… Continue reading Food Stamp Program, pinamamadali ng NEDA sa DSWD bilang tugon sa pagbilis ng inflation

Paggamit ng artificial intelligence, nililinang na ng DOST; Pinoy version ng ChatGPT, dini-develop na

Sinisimulan na ng Department of Science and Technology (DOST) ang paglinang sa paggamit ng artificial intelligence o AI. Isa ang AI sa mga natalakay sa pagsalang ng panukalang ₱25.9-billion na budget ng ahensya sa susunod na taon. Sa interpelasyon ni Baguio Representative Mark Go, nausisa nito ang DOST kung ano na ang kanilang plano sa… Continue reading Paggamit ng artificial intelligence, nililinang na ng DOST; Pinoy version ng ChatGPT, dini-develop na

PCSO, magbibigay ng libreng wheelchairs sa mga senior citizen at PWD sa Maynila

Mamamahagi ang Philippine Charity Sweepstake Office o PCSO ng libreng wheelchairs sa mga senior citizen at persons with disability o PWD sa ikalimang distrito ng Maynila. Ito ay dahil kapos sa kagamitang pang-medikal gaya ng wheelchair ang naturang distrito. Pinangunahan ni PCSO General Manager Mel Robles kasama si Manila 5th District Representative Irwin Tieng ang… Continue reading PCSO, magbibigay ng libreng wheelchairs sa mga senior citizen at PWD sa Maynila

Pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng magkakasunod na bagyo, halos ₱2 bilyon na

Halos 2 bilyong piso na ang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng magkakasunod na bagyo. Batay ito sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC). Umakyat sa mahigit 895 milyong piso ang halaga ng pinsala sa imprastraktura, kung saan naapektuhan ang 126 imprastraktura sa Ilocos Region, Cagayan Valley, MIMAROPA,… Continue reading Pinsala sa imprastraktura at agrikultura ng magkakasunod na bagyo, halos ₱2 bilyon na

Ground Assault, pinagsanayan ng mga tropa ng Pilipinas at Australia sa Exercise Carabaroo

Sabayang nagsanay sa pagsasagawa ng Ground Assault ang mga tropa ng Philippine Army at Australian Army sa ongoing na Exercise Carabaroo sa Channel Island, Northern Territory, Australia. Lumahok sa aktibidad ang mga sundalo ng 99th Infantry Battalion sa ilalim ng operational control ng 1st Brigade Combat Team ng Philippine Army, at 5th Battalion ng Royal… Continue reading Ground Assault, pinagsanayan ng mga tropa ng Pilipinas at Australia sa Exercise Carabaroo

Ika-10 anibersaryo ng Bohol earthquake, gugunitain kasabay ng 3rd quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

Isasagawa bukas, Setyembre 7 ang 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake drill. Kasabay ito ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng Bohol earthquake na tumama sa lalawigan noong Oktubre 15, 2013. Pangungunahan ng Office of Civil Defense (OCD) at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang “ceremonial pressing of the button” sa Tagbilaran, Bohol. Dito’y… Continue reading Ika-10 anibersaryo ng Bohol earthquake, gugunitain kasabay ng 3rd quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

PHIVOLCS, binabantayan ang mataas na seismic activity sa Bulkang Kanlaon

Mahigpit na naka-monitor ngayon ang PHIVOLCS sa lagay ng Bulkang Kanlaon na patuloy ang aktibidad. Ayon sa PHIVOLCS, nadagdagan ang volcanic earthquakes na naitala sa Bulkang Kanlaon sa mga nakalipas na mga araw. Katunayan, aabot sa 36 volcanic earthquakes kabilang ang 34 volcano-tectonic o VT earthquakes ang na-monitor sa bulkan mula September 4 hanggang kaninang… Continue reading PHIVOLCS, binabantayan ang mataas na seismic activity sa Bulkang Kanlaon

PHIVOLCS, mangangailangan ng ₱7 bilyon para sa modernisasyon ng buong ahensya

Aminado ang DOST na kulang ang monitoring stations ng ahensya pagdating sa mga natural hazard gaya na lamang ng lindol. Ayon kay PHIVOLCS Dir. Teresito Bacolcol, nasa 123 lang ang seismic stations ng bansa—malayo sa ideal na bilang na 300. Sa volcano monitoring equipment naman, sa 24 na aktibong bulkan sa bansa, 10 lang ang… Continue reading PHIVOLCS, mangangailangan ng ₱7 bilyon para sa modernisasyon ng buong ahensya

₱45 kada kilo ng bigas sa Agora Market sa San Juan City, tinatangkilik ng mga mamimili

Tila patok sa takilya ang ₱45 kada kilo ng well milled na bigas sa Agora Market sa San Juan City, isang araw matapos maging epektibo ang EO 39 o ang pagtatakda ng price cap sa bigas. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sinabi ng ilan sa mga rice retailer na sa unang araw pa lang kahapon,… Continue reading ₱45 kada kilo ng bigas sa Agora Market sa San Juan City, tinatangkilik ng mga mamimili