2 missile frigate ng Phil. Navy, kinabitan ng bagong anti-torpedo defense system

Matagumpay na naikabit ng French Naval Group sa BRP Jose Rizal (FF-150) at BRP Antonio Luna (FF-151) ang CONTRALTO® anti-torpedo reaction module na bahagi ng anti-torpedo defense system ng dalawang barko. Ang pagsubok sa CONTRALTO® anti-torpedo reaction module ay isinagawa sa Subic-Agila Bay noong August 31, 2023 na sinaksihan ng mga opisyal ng Philippine Navy,… Continue reading 2 missile frigate ng Phil. Navy, kinabitan ng bagong anti-torpedo defense system

95% ng rice retailers sa bansa, sumunod sa EO 39 — DA

Umabot sa 95% ng mga rice retailer sa bansa ang sumunod sa ipinatutupad EO 39 o ang mandated price ceiling sa regular at well-milled rice, ayon ‘yan sa Department of Agriculture. Ayon kay Atty. Willie Ann Angsiy, DA Director for Legal Services at spokesperson, batay sa kanilang monitoring ay tumalima naman ang karamihan ng mga… Continue reading 95% ng rice retailers sa bansa, sumunod sa EO 39 — DA

Contingent fund ng Pangulo, maaaring pandagdag pondo para sa subsidiya ng mga retailer — Albay solon

Isa ang contingent fund ng presidente sa maaaring paghugutan ng pondo para sa ikinakasang subsidiya para sa mga rice retailer na apektado ng Executive Order 39 o price ceiling sa bigas. Ito ang tinuran ni Albay Rep. Edcel Lagman. Aniya, aabot sa P13 bilyon ang contingent fund ng Pangulo na nakapaloob sa 2023 budget. Ayon… Continue reading Contingent fund ng Pangulo, maaaring pandagdag pondo para sa subsidiya ng mga retailer — Albay solon

Pilipinas, kailangan pang palakasin ang programang pangkalusugan — Health Sec. Herbosa

Aminado si Health Sec. Ted Herbosa na kailangan pang palakasin ng bansa ang programang pangkalusugan nito. Sa budget briefing ng Department of Health, napuri ni Baguio Rep. Mark Go ang hangarin ng ahensya na gawin ang Pilipinas bilang isa sa pinakamalusog na bansa sa Asya sa 2040. Ngunit nang tanungin ng mambabatas kung ano na… Continue reading Pilipinas, kailangan pang palakasin ang programang pangkalusugan — Health Sec. Herbosa

Budget disbursement ng DILG sa unang bahagi ng 2023, umabot sa 98%

Ipinagmalaki ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang epektibong paggastos ng ahensya sa kanilang pondo matapos na maabot ang 98% na budget disbursement para sa unang bahagi ng 2023. Ayon sa kalihim, katumbas ito ng ₱139.3-bilyong nagamit na pondo ng ahensya mula sa ₱141.2-bilyong pondong nakalaan para sa unang… Continue reading Budget disbursement ng DILG sa unang bahagi ng 2023, umabot sa 98%

DepEd, ipinaubaya na ang desisyon sa Kongreso kaugnay sa confidential fund ng ahensya

Iniiwan na ng Department of Education o DepEd sa Kongreso ang desisyon sa pag-apruba ng confidential fund ng ahensya. Ito ay kasunod ng inilabas na pahayag ni Senator Risa Hontiveros na i-reallocate ang ipinapanukalang confidential fund ng DepEd na P150 milyon para sa susunod na taon. Ani Hontiveros, hanggang ngayon kasi hindi malinaw kung paano… Continue reading DepEd, ipinaubaya na ang desisyon sa Kongreso kaugnay sa confidential fund ng ahensya

COMELEC, pinagtibay ang ‘disqualification order’ laban sa isang vice-governor

Ibinasura ng Commission on Elections en banc ang isinumiteng motion for reconsideration ng kampo ni Aurora vice-gubernatorial candidate Gerardo Jerry Noveras hinggil sa disqualification order na natanggap nito mula sa COMELEC first division. Nag-ugat ang naturang kaso matapos magpetisyon ang nakalaban ni Noveras na si Narciso Amansec ng paglabag sa Omnibus Election Code Section 261… Continue reading COMELEC, pinagtibay ang ‘disqualification order’ laban sa isang vice-governor

Mga lugar na isinailalim sa state of calamity, umabot na sa 9

Umabot na sa siyam ang mga lugar ang isinailalim sa state of calamity dahil sa epekto ng nagdaang mga bagyo at habagat. Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, ang siyam na lugar ay pawang nasa sa Western Visayas. Ito ang bayan ng Leganes, Pototan at Oton sa Iloilo; bayan… Continue reading Mga lugar na isinailalim sa state of calamity, umabot na sa 9

Trade Sec. Pascual, hinikayat ang business sectors sa Indonesia na mamuhunan sa sektor ng agrikultura at digital economy ng bansa

Hinikayat ni Trade Secretary Alfredo Pascual ang mga Business sector sa Indonesia na mamuhunan sa sektor ng agrikultura at digital economy sa bansa. Ito’y sa kabila ng State Visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Indonesia. Ayon sa kalihim, ginawa niya ang naturang panghihikayat sa mga nabanggit na sektor dahil isa ang mga naturang… Continue reading Trade Sec. Pascual, hinikayat ang business sectors sa Indonesia na mamuhunan sa sektor ng agrikultura at digital economy ng bansa

Profiling ng mga apektadong rice retailers, sinimula na ng DTI Catanduanes para sa ibahagaging subsidiya

Sinimulan na ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Catanduanes ang profiling o paglilista ng mga rice retailers sa lalawigan na apektado ng Executive Order 39 o mandated price ceiling ng bigas. Ayon kay DTI Catanduanes Provincial Director Mabel Escueta, isinasabay na nila ito sa araw-araw na monitoring ng presyo ng bigas na isinasagawa… Continue reading Profiling ng mga apektadong rice retailers, sinimula na ng DTI Catanduanes para sa ibahagaging subsidiya