Ingklusibong listahan ng rice retailers na makikinabang sa SLP cash aid, tiniyak ng DSWD

Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na walang pipiliin at magiging ingklusibo ang listahan ng small rice retailers na makikinabang sa ayuda sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP). Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa pulong ni DSWD Sec. Rex Gatchalian sa ilang opisyal ng… Continue reading Ingklusibong listahan ng rice retailers na makikinabang sa SLP cash aid, tiniyak ng DSWD

Singil sa kuryente ngayong Setyembre, tatataas — MERALCO

Matapos ang mahigit pisong bawas singil nitong Agosto, inanunsyo naman ngayon ng Manila Electric Company o MERALCO na tataas ng 50 sentimos kada kilowatthour (KWh) sa kanilang singil sa kuryente ngayong Setyembre. Ayon sa MERALCO, nangangahulugan ito ng mahigit sa P11 pagtaas sa kanilang singil para sa overall charge o katumbas ng P100 na umento… Continue reading Singil sa kuryente ngayong Setyembre, tatataas — MERALCO

Motorcycle Riding Academy, bubuksan na sa Setyembre 27

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na magbubukas na ang kanilang Motorcycle Riding Academy sa Setyembre 27, 2023. Ito ang inihayag ni MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes makaraang tanggapin nito ang 10 motorcycle units mula kay Sen. Sonny Angara kaninang umaga. Pero paliwanag ni Artes, nagkaroon ng delay sa pagbubukas ng Motorcycle… Continue reading Motorcycle Riding Academy, bubuksan na sa Setyembre 27

DOTr-IATF, naka-activate na kasunod ng kumakalat na bomb threat sa MRT-3; seguridad sa mga istasyon, pinaigting

Naka-activate na ang Inter-Agency Task Force ng Department of Transportation o DOTr kasunod ng kumakalat sa social media na umano’y bomb threat sa MRT-3. Sa inilabas na pahayag ng DOTr, agad na ipinag-utos ni Transportation Secretary Bautista ang pag-activate sa IATF ng ahensya kasama ang DOTr Office for the Transportation Security, Department of Information and… Continue reading DOTr-IATF, naka-activate na kasunod ng kumakalat na bomb threat sa MRT-3; seguridad sa mga istasyon, pinaigting

DepEd, nagbabala sa kumakalat na pekeng memo na ‘di umano’y naggagawad ng 2 linggong pahinga sa mga guro kaalinsabay ng National Teacher’s Month

Pinag-iingat ng Department of Education o DepEd ang publiko lalo na ang mga guro hinggil sa mga kumakalat na disinformation sa social media. Ito’y matapos umikot sa social media ang ‘di umano’y isang memorandum circular na inilabas ng kagawaran na nagbibigay ng dalawang linggong pahinga para sa mga guro kaalinsabay ng pagdiriwang ng National Teacher’s… Continue reading DepEd, nagbabala sa kumakalat na pekeng memo na ‘di umano’y naggagawad ng 2 linggong pahinga sa mga guro kaalinsabay ng National Teacher’s Month

Pagbabantay sa WPS, apektado ng mas maliit na pondo ng modernization program ng AFP

Aminado si Defense Sec. Gibo Teodoro na may epekto sa depensa ng bansa ang kakulangan sa pondo ng AFP Modernization program. Sa budget briefing, nausisa ni Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing kung ano ang ng P66 billion unfunded projects ng ahensya. Tugon ng kalihim, mag-iiwan ito ng gap sa kakayanan ng bansa na mapigilan ang… Continue reading Pagbabantay sa WPS, apektado ng mas maliit na pondo ng modernization program ng AFP

40 miyembro ng KADAMAY sa Bulacan, tumiwalag sa kilusang komunista

Idineklara ng 40 miyembro ng KADAMAY o Kalipunan ng Damayang Mahihirap sa Bulacan ang kanilang pagtiwalag sa ‘front organization’ ng kilusang komunista sa Barangay Siling Bata, Pandi, Bulacan. Sa seremonyang pinangunahan ng Northern Luzon Command (NOLCOM) kahapon, itinakwil ng grupo ang kilusang komunista sa pamamagitan ng pagsunog sa bandila ng CPP-NPA at bandera ng KADAMAY,… Continue reading 40 miyembro ng KADAMAY sa Bulacan, tumiwalag sa kilusang komunista

MOU para sa $4.4-M funding at iba pang dokumento na magpapalalim sa ugnayang PH-AUS, nilagdaan

Nilagdaan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Australian Prime Minister Anthony Albanese ang joint declaration para sa pagpapayabong pa ng strategic partnership ng higit 75 taon nang samahan ng dalawang bansa. Sa joint statement ng dalawang leader, binigyang diin ang kapwa commitment ng Pilipinas at Australia para sa pagsusulong ng rules-based international order at… Continue reading MOU para sa $4.4-M funding at iba pang dokumento na magpapalalim sa ugnayang PH-AUS, nilagdaan

Mga retailer ng bigas sa Marikina Public Market, umaasang makatatanggap ng tulong sa pamahalaan kasunod ng pagpapatupad ng EO39

Tiwala ang mga retailer ng bigas sa Marikina Public Market na matatanggap na nila ang tulong mula sa pamahalaan sa lalong madaling panahon. Sa panayam ng Radyo Pilipinas sa mga rice retailer sa nasabing pamilihan, bilang mga negosyante, kailangang kailangan nila ang P15,000 NA tulong mula sa pamahalaan. Bukod kasi sa kanilang pagkalugi dahil sa… Continue reading Mga retailer ng bigas sa Marikina Public Market, umaasang makatatanggap ng tulong sa pamahalaan kasunod ng pagpapatupad ng EO39

LTO, nagpaliwanag sa isang taong extension sa validity ng mga nag-expire na drivers license

Binigyang linaw ni LTO Asec. Vigor Mendoza II ang basehan ng isang taong extension sa validity ng mga driver’s license na nag-expire noong April 3. Sa isinagawa nitong press breifing, sinabi ni LTO Asec. Mendoza na bagamat nag-expire na nitong Miyerkules ang 20-day period ng unang ipinataw na temporary restraining order (TRO) sa driver’s license… Continue reading LTO, nagpaliwanag sa isang taong extension sa validity ng mga nag-expire na drivers license