Namahagi, kahapon, Setyembre 14, nang kabuuang halaga na P150,000 ang Department of Social Welfare and Development – Eastern Visayas katuwang ang Department of Trade and Industry, Calbayog City LGU, Department of Agriculture, Department of the Interior and Local Government, at Western Samar Maritime Police ng tulong pinansyal sa mga micro rice retailer sa lungsod ng Calbayog, Samar na apektado sa pagpapatupad ng Executive Order 39.
Nakatanggap ng tig- P15,000 na tulong pinansyal ang 10 rice retailers na apektado ng P41 at P45 na price cap ng bigas.
Sa mensahe ni DTI Samar Provincial Director Meilou C. Macabare, kanyang pinsalamatan ang mga rice retailer sa pagpatupad ng EO 39 bagama’t mahal pa ang presyo ng sako ng bigas. Kanya ring binigyang-diin ang malaking serbisyo ng mga rice retailer sa mga konsyumer.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga benepisyaryo sa binigay na tulong ng gobyerno sa kanila. Sabi pa ni Cecil Mollono, ang ayuda na kanilang natanggap mula sa gobyerno ay makakatulong upang makapag-benta pa sila ng 45 na presyo ng well-milled na bigas. | ulat ni Suzette Pretencio | RP1 Calbayog