DOTr Sec. Bautista, pinangunahan ang groundbreaking para sa expansion ng bicycle lane sa Batangas

Pinangunahan ni Department of Transportation o DOTr Sec. Jaime Bautista ang groundbreaking ceremony para sa expansion ng active transport infrastructure sa Lipa City sa Batangas ngayong araw May habang 76.70 kilometro, babagtasin ng Class 2 at Class 3 na bicycle lanes ang Lungsod ng Lipa, Batangas City, Antiplo City, Cainta at San Mateo sa Rizal.… Continue reading DOTr Sec. Bautista, pinangunahan ang groundbreaking para sa expansion ng bicycle lane sa Batangas

Distribusyon ng cash assistance para sa rice retailers sa Navotas, umarangkada na

Nagsimula na ang distribusyon ng financial assistance para sa mga apektadong rice retailers sa Navotas City ngayong araw. Pinangunahan ng DSWD at DTI ang distribusyon ng ayuda na isinagawa sa Navotas Sports Complex. Kasama sa proseso sa payout ang registration ng mga apektadong rice retailers, may verification din kung saan ay kasama talaga sa masterlist… Continue reading Distribusyon ng cash assistance para sa rice retailers sa Navotas, umarangkada na

DSWD at DTI namahagi ng financial assistance sa Lungsod ng Parañaque

Namahagi na ang Department of Social Welfare and Development at Department of Trade and Industry ng financial assistance sa mga micro rice retailer sa lungsod ng Paranaque ngayong araw. Ayon sa DSWD, nasa 129 micro small retailers ang nabiyayaan ng tig-P15,000 na ayuda mula sa national government. Nagpapasalamat si Paranaque City Mayor Eric Olivares sa… Continue reading DSWD at DTI namahagi ng financial assistance sa Lungsod ng Parañaque

Inilatag na hakbang ng administrasyon para mapababa ang presyo ng bigas, pinuri ng House leaders

Pinuri ng House leaders ang mga hakbang na inilatag ng Marcos Jr. administration para mapababa ng presyo ng bigas hindi lang sa Pilipinas ngunit maging sa world market. Partikular na tinukoy ni House Committee on Agriculture and Food Chair at Quezon Rep. Mark Enverga, ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpatupad ng… Continue reading Inilatag na hakbang ng administrasyon para mapababa ang presyo ng bigas, pinuri ng House leaders

Pagtatalaga ng price ceiling sa bigas, nagsisilbing ‘short-term solution’ vs. mga nananamantala — Finance Sec. Diokno

Naniniwala si Finance Secretary Benjamin Diokno na epektibo ang pagtatalaga ng price ceiling sa bigas. Ayon kay Diokno, ang imposisyon ng price ceiling sa pamamagitan ng Executive Order No 39 ay ‘short-term solution’ laban sa “non-competitive practice” ng mga nagbebenta ng bigas sa merkado. Sinabi ng kalihim na kinailangan itong gawin ni Pangulong Ferdinand Marcos… Continue reading Pagtatalaga ng price ceiling sa bigas, nagsisilbing ‘short-term solution’ vs. mga nananamantala — Finance Sec. Diokno

DTI, patuloy ang pagsusuri sa maliliit na rice retailers sa Region VI na makakatanggap ng tulong pinansyal

Patuloy ang proseso ng Department of Trade and Industry Region VI sa pagsusuri sa mga kuwalipikado na maliliit na rice retailers na makatatanggap  ng tulong pinansyal, ayon sa Executive Order 39 na ipinalabas ni Presidente Ferdinand R. Marcos Jr., na ang bentahan ng regular milled rice ay nasa PhP41 kada kilogram at PhP45 bawat kilogram… Continue reading DTI, patuloy ang pagsusuri sa maliliit na rice retailers sa Region VI na makakatanggap ng tulong pinansyal

Larawang kuha ng isang Pangasinese, pambato ng Pilipinas sa 2024 calendar competition ng World Meteorological Organization

Bolinao Beach Sunset

Pasok sa Top 75 finalist ng World Meteorological Organization (WMO) 2024 Calendar Competition ang isang larawan na kuha ng isang Pangasinense sa Bolinao, Pangasinan. Ang larawang kuha ni Aster Niel Abellano ay ang kaisa-isang Pilipino na nakapasok sa nasabing patimpalak. Inilalarawan ng litrato ang mababaw na dalampasigan ng Bolinao kasama ang mga turista na naglalakad… Continue reading Larawang kuha ng isang Pangasinese, pambato ng Pilipinas sa 2024 calendar competition ng World Meteorological Organization

Carabaroo Exercise ng Philippine at Australian army, matagumpay na nagtapos

Matagumpay na nagtapos ang Carabaroo 2023 Military Exercise sa pagitan ng Philippine Army at Australian Army sa 1st Combat Engineer Regiment Headquarters, Robertson Barracks, Darwin, Northern Territory, Australia. 138 tropa ng Philippine Army 1st Brigade Combat Team, First Scout Ranger Regiment, at Special Forces Regiment (Airborne) ang lumahok sa ehersisyo kasama ang kanilang mga Australian… Continue reading Carabaroo Exercise ng Philippine at Australian army, matagumpay na nagtapos

Pagsasanay ng Philippine at Indonesian Navy sa Davao, matagumpay ng nagtapos

Matagumpay na magtapos ang Maritime Training Activity (MTA) MALPHI LAUT 23/24 sa pagitan ng Philippine Navy at Indonesian Navy nitong Biyernes. Ang closing ceremony, na isinagawa sa Davao City, ay pinangunahan ni Indonesian Navy Eastern Fleet Commander, Vice Admiral Dato’ Pahlawan Hj Muhammad Ruzelme Bin Hj Ahmad Fahimy. Pinasalamatan ni VAdm. Ruzelme ang Philippine Navy… Continue reading Pagsasanay ng Philippine at Indonesian Navy sa Davao, matagumpay ng nagtapos

Patuloy na paggamit ng NPA ng anti-personnel mines, patunay na sila ay terorista — Gen. Brawner

Mariing kinondena ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang patuloy na paggamit ng NPA ng Anti-Personnel Mines (APM) na ipinagbabawal sa buong mundo. Ayon sa AFP Chief, karapat-dapat lang ang klasipikasyon ng NPA bilang isang teroristang organisasyon dahil sa walang habas nilang paglabag sa International Humanitarian Law na… Continue reading Patuloy na paggamit ng NPA ng anti-personnel mines, patunay na sila ay terorista — Gen. Brawner