Metro Manila Council, nagpulong ngayong araw

Muling nagpulong ngayong araw ang Metro Manila Council (MMC) upang talakayin ang iba’t ibang usaping may kinalaman sa paghahatid ng serbisyo para sa mga Pilipino. Nanguna sa nasabing pagpupulong si MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora kasama si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Don Artes. Kabilang sa mga dumalo… Continue reading Metro Manila Council, nagpulong ngayong araw

41 pamilyang benepisyaryo ng Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program mula sa Iloilo, nakatanggap ng mahigit sa P3.4-M mula sa DSWD Field Office-6

Nakatanggap ang 41 pamilya mula sa 1st district ng probinsya ng Iloilo ng mahigit sa P3.4 milyon na tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 6 sa ilalim ng Balik Probinsya Bagong Pag-asa Program. Ang mga benepisyaryo ay mula sa mga bayan ng Tigbauan, Miag-ao, Tubungan, at San Joaquin. Sa… Continue reading 41 pamilyang benepisyaryo ng Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program mula sa Iloilo, nakatanggap ng mahigit sa P3.4-M mula sa DSWD Field Office-6

Bilang ng namatay sa lindol sa Morocco umabot na sa halos 2,497 – DFA

Inihayag ng Moroccan Interior Ministry na umabot na sa 2,497 katao ang namatay sa lindol at 2,476 naman ang nasugatan. Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa ngayon, walang natatanggap na ulat ang Embahada ng sinumang Pilipinong naapektuhan ng lindol. Nakikipag-ugnayan narin ang Embahada sa mga community leader sa iba’t ibang lugar ng Morocco.… Continue reading Bilang ng namatay sa lindol sa Morocco umabot na sa halos 2,497 – DFA

Mga oil company, planong pulungin sa Kamara bunsod ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo

Ikinakasa ni Speaker Martin Romualdez na ipatawag at pulungin ang mga kinatawan ng oil company sa bansa, dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa nakalipas na siyam na linggo. Ayon kay Romualdez, batid ng pamahalaan ang sentimyento ng publiko lalo at ang oil price hike ay magreresulta sa pagtaas… Continue reading Mga oil company, planong pulungin sa Kamara bunsod ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo

Panukalang MUP Pension Reform Bill, naiakyat na sa plenaryo

Naiakyat na sa plenaryo ng Kamara ang House Bill 8969 o MUP Pension Reform Bill. Si House Ad Hoc Committee on MUP Pension System Chair Joey Salceda ang nanguna sa sponsorship para sa naturang panukala. Ipinunto nito na mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address, ang humiling… Continue reading Panukalang MUP Pension Reform Bill, naiakyat na sa plenaryo

Hakbang ng BIAF-MILF laban sa mga “peace spoiler” sa kanilang hanay, welcome sa DND

Malugod na tinanggap ng Department of National Defense (DND) ang kautusan ng Bangsamoro Islamic Armed Forces – Moro Islamic Libreration Front (BIAF-MILF) sa kanilang mga miyembro na iwasang masangkot sa mga aktibidad na lilikha ng kaguluhan sa mga sibilyang komunidad. Ang kautusan ay nakasaad sa Memorandum No. 25-2023, na inilabas ni Sammy Al Mansoor, Chief… Continue reading Hakbang ng BIAF-MILF laban sa mga “peace spoiler” sa kanilang hanay, welcome sa DND

Party-list solon, pinuri ang senado sa pagpasa ng panukala para buhayin muli ang industriya ng pag-aasin

Pinuri at pinasalamatan ni KABAYAN party-list Rep. Ron Salo ang Senado sa pagpasa sa Salt Industry Revitalization Bill. “I thank and commend the Senate, particularly our co-champions Sen. Cynthia Villar, Sen. Joel Villanueva, Sen. Loren Legarda, and Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, for recognizing the importance of, and passing the Salt Industry Revitalization Bill,” aniya.… Continue reading Party-list solon, pinuri ang senado sa pagpasa ng panukala para buhayin muli ang industriya ng pag-aasin

BRP Ivatan, dumating sa Tawi-Tawi hatid ang tulong sa mga biktima ng sunog

Nakarating na sa Tawi-Tawi ang BRP Ivatan (LC298) dala ang mga relief supply para sa mga biktima ng malaking sunog sa Bonggao na naganap noong Setyembre 7. Ang humanitarian mission na isinagawa ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) kasama ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at organisasayon ay naghatid ng 48.2 tonelada ng relief supplies… Continue reading BRP Ivatan, dumating sa Tawi-Tawi hatid ang tulong sa mga biktima ng sunog

Barangay chair at 2 pang opisyal, kinasuhan ng Ombudsman dahil sa ‘ghost employee’

Muli na namang nireklamo ng kasong katiwalian sa Office of the Ombudsman ang Chairperson ng Barangay Kaligayahan at dalawa pang opisyal nito. Kasong ‘Anti-Graft and Corrupt Practices Act’ at ‘Falsification of Public Document’ ang isinampa laban kina Barangay Chairperson Alfredo Roxas, Kagawad Arnel Gabito at Barangay Treasurer Hesiree Santiago. Inakusahan ni Arjean Abe, dating kawani… Continue reading Barangay chair at 2 pang opisyal, kinasuhan ng Ombudsman dahil sa ‘ghost employee’

Distribusyon ng fuel subsidy sa PUV operators, sisimulan na bukas

Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aarangkada na bukas, September 13 ang pamamahagi ng subsidiya sa mga operator ng mga pampublikong sasakyan. Kasunod ito ng nilagdaang Memorandum of Agreement at Joint Memorandum Circular No. 02, series of 2023, ng DOTR, DICT, DTI, DILG, DBM, DOE, LTFRB, at Land Bank of the… Continue reading Distribusyon ng fuel subsidy sa PUV operators, sisimulan na bukas