PNP, may lead na sa kasong pagpatay sa isang human rights lawyer sa Abra

May hawak nang lead ang pulisya sa kaso ng pinaslang na human rights lawyer sa Bangued, Abra. Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda, bagama’t tumanggi muna siyang idetalye ang impormasyon. Huwebes ng hapon nang pagbabarilin ng riding in tandem si Atty. Maria Saniata Liwliwa Gonzales Alzate habang nasa loob ng kanyang… Continue reading PNP, may lead na sa kasong pagpatay sa isang human rights lawyer sa Abra

Mga nagawa ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa pagkamit ng financial inclusion sa bansa, kinilala sa 2023 Alliance for Financial Inclusion (AFI) Global Policy Forum

Kinilala ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Eli M. Remolona ang mga kontribusyon ni Secretary Benjamjn Diokno, bilang dating Governor ng BSP, sa pagsusulong ng financial inclusion sa bansa. Sa pagbubukas ng 2023 Alliance for Financial Inclusion (AFI) Global Policy Forum sinabi ng BSP chief malaki ang tulong ni Diokno sa paglalatag ng matibay na… Continue reading Mga nagawa ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa pagkamit ng financial inclusion sa bansa, kinilala sa 2023 Alliance for Financial Inclusion (AFI) Global Policy Forum

DTI Chief, hinikayat ang Singaporean business leaders na mamuhunan sa mga strategic investment priority ng bansa

Bilang bahagi ng biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Singapore, isinagawa ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Fred Pascual, sa pakikipagtulungan ng Milken Institute, ang isang mahalagang talakayan ukol sa strategic investment priorities sa bansa. Sa pulong, kasama ni Pangulong Marcos ang mga prominenteng CEO at mga matataas na opisyal mula… Continue reading DTI Chief, hinikayat ang Singaporean business leaders na mamuhunan sa mga strategic investment priority ng bansa

Mga nakumpiskang smuggled na bigas sa Zamboanga, ituturn over ng BOC para sa government programs

Higit P42-milyon halaga ng smuggled rice ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa isang warehouse sa Zamboanga City nitong nakalipas na araw. Ayon kay BOC-Port of Zamboanga Deputy Collector Benny Lontoc, resulta ito ng kanilang pinaigting na kampanya para labanan ang smuggling lalo na sa agri-products. Kabilang ito sa priority program ng BOC alinsunod… Continue reading Mga nakumpiskang smuggled na bigas sa Zamboanga, ituturn over ng BOC para sa government programs

MAKABAYAN solons, inaming walang pruweba sa umano’y maling paggamit sa confidential fund ng OVP

Aminado ang Makabayan bloc solons na wala silang pruweba sa hindi tamang paggamit ng Office of the Vice President sa confidential fund nito. Sa isang pulong balitaan, natanong ang mga kongresista kung mayroon silang sapat na katibayan na winaldas nga ng OVP ang confidential fund nito. Sagot ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, wala silang… Continue reading MAKABAYAN solons, inaming walang pruweba sa umano’y maling paggamit sa confidential fund ng OVP

Pampubliko at pribadong sektor nagtulungan sa paglilinis sa lungsod ng Cebu kasabay ng pagdiriwang ng International Cleanup Day

Isinagawa ngayong umaga dito sa lungsod ng Cebu ang 13th Cebu Citywide Cleanup Challenge kasabay ng pagdiriwang ng International Cleanup Day. Nagtulungan ang mga kawani ng city hall, mga ahensya ng gobyerno at mga volunteer at iba pang sektor  sa paglilinis ng mga ilog, sapa at coastal areas sa lungsod. Nagkaroon din ng maikling programa… Continue reading Pampubliko at pribadong sektor nagtulungan sa paglilinis sa lungsod ng Cebu kasabay ng pagdiriwang ng International Cleanup Day

Iba’t ibang tanggapan at NGOs sa Pangasinan nakiisa sa 2023 International Coastal Cleanup Day

Nakibahagi ang iba`t ibang tanggapan sa lalawigan ng Pangasinan sa pagdiriwang ng 2023 International Coastal Clean Up Day ngayong araw, ika-16 ng Setyembre 2023. Dinaluhan ang kaganapan ng mga kawani ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail and Management and Penology (BJMP), kawani ng Local Government Unit (LGU)… Continue reading Iba’t ibang tanggapan at NGOs sa Pangasinan nakiisa sa 2023 International Coastal Cleanup Day

Barangay Chairman ng QC, muling sinampahan ng kaso sa Ombudsman

Muling inireklamo sa Office of The Ombudsman si Barangay Chairman Alfredo Roxas ng Barangay Kaligayahan, Novaliches, Quezon City. Kasong Grave Coercion na may kaugnayan sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang isinampa ng isang Aljean Abe na dating kawani ng barangay. Nag-ugat ang kanyang reklamo ng makaranas siya ng panghaharrass at… Continue reading Barangay Chairman ng QC, muling sinampahan ng kaso sa Ombudsman

Iba’t ibang grupo, nakilahok sa 2023 International Coastal Cleanup Day sa Dolomite Beach sa Maynila

Lumahok ang iba’t ibang grupo mula sa pamahalaan at pribadong sektor upang tumulong sa paglilinis ng dalampasigan sakop ng Dolomite Beach sa Manila Bay ngayong araw. Ito ay alinsunod sa International Coastal Cleanup Day na isinasagawa tuwing ikatlong Sabado ng Buwan ng Setyembre. Isa ang Pilipinas sa 150 bansang nakikilahok sa sinasabing pagdiriwang at aktibidad… Continue reading Iba’t ibang grupo, nakilahok sa 2023 International Coastal Cleanup Day sa Dolomite Beach sa Maynila

“No Entry Scheme” para sa mga truck, ipinatutupad sa isang kalsada sa Valenzuela City -LGU

Simula ngayong araw, Setyembre 16, hindi muna pinapayagang makadaan ang mga truck sa kahabaan ng M.H. Del Pilar Road sa Barangay Arkong Bato sa Valenzuela City. Sa abiso ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, uumpisahan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road upgrading project sa apektadong lugar. Inaasahang tatagal ang pagsasaayos ng… Continue reading “No Entry Scheme” para sa mga truck, ipinatutupad sa isang kalsada sa Valenzuela City -LGU