Prangkisa ng mga palpak na electric cooperative, pinakakansela ng ilang mambabatas

Pormal na naghain ng resolusyon si ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo kasama ang ilan pang mambabatas, para magkasa ng imbestigasyon at silipin ang prangkisa ng mga electric cooperative. Sa ilalim ng House Resolution 1302, rerepasuhin ang prangkisa ng electric cooperatives bunsod ng napakaraming reklamo kaugnay sa kanilang palpak na serbisyo. “Sa kabila ng mga reklamo… Continue reading Prangkisa ng mga palpak na electric cooperative, pinakakansela ng ilang mambabatas

DFA at DENR, dapat mag-collaborate sa paghahain ng reklamo vs. pagsira ng China sa corals sa West Philippine Sea – Sen. Bato dela Rosa

Iminungkahi ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maaaring magtulungan ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa pagbuo ng reklamong isasampa laban sa ginawang pagsira ng mga Chinese militia vessel sa mga bahura sa Rozul Reef at Escoda Shoal sa West Philippine Sea. Ayon kay dela Rosa,… Continue reading DFA at DENR, dapat mag-collaborate sa paghahain ng reklamo vs. pagsira ng China sa corals sa West Philippine Sea – Sen. Bato dela Rosa

Majority solons, muling iginiit na walang iligal sa paggamit ng OVP sa P125-M contingent fund bilang confidential fund

Naging mainit agad ang pag-uumpisa ng plenary deliberation ng 2024 General Appropriations Bill. Ito’y matapos makwestiyon ni ACT Teachers Party-list Representative France Castro ang paggamit sa confidential at intelligence fund— partikular dito ang P125 million ng Office of the Vice President (OVP) na wala sa line-item ng 2022 National Budget. Giit ni Appropriations Senior Vice-Chair… Continue reading Majority solons, muling iginiit na walang iligal sa paggamit ng OVP sa P125-M contingent fund bilang confidential fund

Pagpapatupad ng fishing ban sa ilang lugar sa bansa, inaaral na ng pamahalaan, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

Pinaplano na ng pamahalaan ang posibilidad na magpatupad ng fishing ban upang matugunan ang overfishing, at upang mapaigting ang fish population at aquaculture sa Pilipinas. Sa isang panayam sa Zamboanga City, ipaliwanag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mayroong mga bahagi ng karagatan na hindi dapat gawing palaisdaan dahil ito ay nagsisilbing breeding grounds… Continue reading Pagpapatupad ng fishing ban sa ilang lugar sa bansa, inaaral na ng pamahalaan, ayon kay Pangulong Marcos Jr.

P222-M halaga ng fake branded products, nasamsam ng NBI sa magkahiwalay na operasyon

Mahigit 1,600 piraso ng pekeng Louis Vuitton products ang nasamsam ng National Bureau of Investigation–Intellectual Property Rights Division (NBI-IPR), sa 168 Shopping Mall sa Maynila. Ginawa ito ng NBI sa bisa ng limang search warrants laban sa mga may-ari ng limang stockroom sa loob ng nabanggit na mall.   Aabot sa P121-million ang halaga ng nasamsam… Continue reading P222-M halaga ng fake branded products, nasamsam ng NBI sa magkahiwalay na operasyon

Nabunyag na umano’y kulto sa bayan ng Socorro, Surigao del Norte, iimbestigahan ng PNP

Itinuturing na welcome development ng Philippine National Police (PNP) ang naging pagbubunyag ni Senator Riza Hontiveros hinggil sa umano’y kulto sa bayan ng Socorro, Surigao del Norte. Ayon kay PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr., kanilang iimbestigahan ang mga impormasyong inilahad ng senator sa kaniyang privileged speech sa Senado, kahapon. Sa pagbubunyag ni Hontiveros,… Continue reading Nabunyag na umano’y kulto sa bayan ng Socorro, Surigao del Norte, iimbestigahan ng PNP

P20 per kilo na bigas, nananatiling attainable – Pangulong Marcos Jr.

Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kaya pang abutin ang P20 per kilong bigas sa bansa. Ayon sa Pangulo, kailangan lamang na maging stable at ma-normalize ang sektor at cost of production ng agrikultura. Makakatulong rin aniya ang paggamit ng mga magsasaka sa mga tulong na ipinagkakaloob ng pamahalaan. “May chance lagi ‘yan,… Continue reading P20 per kilo na bigas, nananatiling attainable – Pangulong Marcos Jr.

Mga multi-function na imprastraktura, gagamitin ng administrasyon upang tugunan ang mga pagbaha

Siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na nagpapatupad na ng iba’t ibang paraan ang pamahalaan upang tugunan ang mga pagbaha na dala ng pagbabago ng panahon. “‘Yun lamang at talagang kailangan tingnan nang mabuti kung ano ‘yun magiging weather, kaya’t kasama rin diyan hindi lamang sa flood control… nagbago na hindi lang ‘yung paglagay… Continue reading Mga multi-function na imprastraktura, gagamitin ng administrasyon upang tugunan ang mga pagbaha

US Ambassador Carlson, tiniyak ang proteksyon sa likas na yaman ng Pilipinas

Ikinababahala ni US Ambassador MaryKay Carlson ang nangyaring pagkawasak ng seabed Rozul Reed at Escoda Shoal. Ito ang naging social media post ni Carlson matapos ang naging pahayag ng Philippine Coast Guard at Armed Forces of the Philippines hinggil sa sitwasyon ng dalawang lugar na pawang nasa West Philippine Sea. Ayon kay Carlson, ang pagkasira… Continue reading US Ambassador Carlson, tiniyak ang proteksyon sa likas na yaman ng Pilipinas

Bilang ng rice retailers na nakatanggap ng cash assistance mula sa pamahalaan, umakyat na sa higit 4,000

Higit kalahati na ng kabuuang target na small rice retailers ang nabigyan na ng cash assistance ng pamahalaan, kasabay ng umiiral na price cap sa regular at well-milled rice sa bisa ng Executive Order no. 39. “Tuluy-tuloy naman iyong distribution natin nitong ating assistance sa mga small rice retailers natin sa pamamagitan noong sa SLP… Continue reading Bilang ng rice retailers na nakatanggap ng cash assistance mula sa pamahalaan, umakyat na sa higit 4,000