Pagtatanggol sa 9 na okupadong isla sa WPS, tututukan ng bagong defense strategy ng AFP

Tututukan ng bagong defense strategy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagtatanggol sa siyam na islang okupado ng bansa sa West Philippine Sea. Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa isang ambush interview matapos ang turnover at blessing ng bagong eroplano mula sa Estados Unidos sa Clark… Continue reading Pagtatanggol sa 9 na okupadong isla sa WPS, tututukan ng bagong defense strategy ng AFP

Kasong administratibo vs. 8 pulis-QCPD na humawak sa road rage incident, dininig na sa QC pleb

Sinimulan na ngayong dinggin ng People’s Law Enforcement Board ng Quezon City (PLEB) ang mga kasong administratibo laban sa walong tauhan ng QCPD na humawak sa nag-viral na road rage incident sa Welcome Rotonda, Quezon City noong Aug. 8 Present sa pagdinig sina LtCol. Jake Barila, PCMSgt. Jonar Jorta, Pat. Arman Mandi, PCMS Aldrin Radan… Continue reading Kasong administratibo vs. 8 pulis-QCPD na humawak sa road rage incident, dininig na sa QC pleb

Panukalang reporma sa MUP pension, lusot na sa ikalawang pagbasa

Pasado na sa ikalawang pagbasa ang panukalang Military and Uniformed Personnel Pension Reform Bill. Ilan sa mahahalagang probisyon ng House Bill 8969 ang pagpapanatili sa 100% indexation, garantisadong 3% na taas sa sweldo ng MUP kada taon sa loob ng sampung taon; mandatory retirement age na 57 years old sa lahat ng MUP o kung… Continue reading Panukalang reporma sa MUP pension, lusot na sa ikalawang pagbasa

PRC at Malabon LGU, magtutulungan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral

Pormal na lumagda sa kasunduan ang Philippine Red Cross o PRC at lokal na pamahalaan ng Malabon para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at mga guro sa mga paaralan. Sa ilalim ng kasunduan, ang bawat mag-aaral sa lungsod mula Grade 1 hanggang senior high school, mga guro, at mga kawani ng eskwelahan ay magiging… Continue reading PRC at Malabon LGU, magtutulungan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral

DSWD, tumanggap ng donasyong mga bigas mula sa BOC

Nakatanggap ang Department of Social Welfare ng donasyong mga bigas mula sa Bureau of Customs. Pinangunahan ni DSWD Usec. for Operations Monina Josefina Romualdez ang pagtanggap ng donated bags ng Alas Jasmine Fragrant Rice sa Bureau of Customs-Port of Zamboanga (BOC-POZ) noong September 7. Ayon sa DSWD, nasa kabuuang 42,000 bags ng Jasmine Rice ang… Continue reading DSWD, tumanggap ng donasyong mga bigas mula sa BOC

Mga magsasaka, pinabibigyang proteksyon laban sa mapang-abusong lenders

Naghain ng panukala si Davao City Rep. Paolo Duterte ng panukala para protektahan ang mga magsasaka laban sa mga mapang-abusong lender. Salig sa House Bill 9094, magtatalaga ng isang katanggap-tanggap na interest rate sa utang ng mga magsasaka at patawan ng parusa ang mga lalabag dito. Ang interes ng utang ng magsasaka na may sakahan… Continue reading Mga magsasaka, pinabibigyang proteksyon laban sa mapang-abusong lenders

Pag-review ng AFP Modernization Program, pinamamadali ni Sec. Teodoro

Pinabibilisan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang pag-review sa Armed Forces of the Philippines Modernization Program. Ito ang sinabi ng kalihim sa ambush interview matapos pangunahan ang turnover ng bagong eroplano mula sa Estados Unidos sa Clark Airbase ngayong umaga. Paliwanag ng kalihim, habang tumatagal ang pag-aaral sa mga pangangailangan ng… Continue reading Pag-review ng AFP Modernization Program, pinamamadali ni Sec. Teodoro

Appropriations senior vice chair, walang nakikitang mali sa paglalabas ng contingent fund sa OVP

Kinatigan ni Marikina Rep. Stella Quimbo, Senior Vice Chair ng Appropriations Committee sa Kamara ang una nang pahayag ni Appropriations Chair Elizaldy Co at ang paliwanag ng Department of Budget and Management, na walang iregularidad sa paglalabas ng P221.42 million contingent fund sa Office of the Vice President noong 2022. Aniya, kung pagbabasehan ang National… Continue reading Appropriations senior vice chair, walang nakikitang mali sa paglalabas ng contingent fund sa OVP

Tulong ng pamahalaan sa mga apektado ng Mayon, halos kalahating bilyong piso na

Umabot na sa P437 milyon ang halaga ng tulong na naipaabot ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa mga apektado ng patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Mayon. Sinabi ni Office of Civil Defense administrator (OCD) Undersecretary Ariel Nepomuceno na bukod sa pagkain at non food items, ginagastusan din ang sanitation services sa mga evacuation… Continue reading Tulong ng pamahalaan sa mga apektado ng Mayon, halos kalahating bilyong piso na

Proteksyon ng mga guro na magsisilbi sa BSKE, ipinanawagan ni VP Sara

Ipinanawagan ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte na mabigyan ng karampatang proteksyon ang mga guro na magsisilbi sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections sa susunod na buwan. Binigyang diin ng Pangalawang Pangulo ang mahalagang papel ng mga guro sa pagdaraos ng halalan kaya’t kailangang matiyak na ligtas ang mga ito mula… Continue reading Proteksyon ng mga guro na magsisilbi sa BSKE, ipinanawagan ni VP Sara