Publiko, pinaghahanda na sa mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila ngayong kapaskuhan – MMDA

Inamin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pabigat na ng pabigat ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila at mga karatig lugar habang papalapit ang Pasko. Ito ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes ay kasunod ng kanilang isinagawang traffic assessment sa MMDA para sa buwan ng Setyembre. Sinabi… Continue reading Publiko, pinaghahanda na sa mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila ngayong kapaskuhan – MMDA

DOH, tiniyak na wala pang kaso ng Nipah virus sa Pilipinas

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na wala pang kaso ng Nipah virus sa Pilipinas. Ito ang nilinaw ng ahensya sa gitna ng mga impormasyon na ang virus na ito ang dahilan ng pagkakasakit ng ilang residente sa Cagayan de Oro City. Sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Finance sa panukalang 2024 budget ng DOH,… Continue reading DOH, tiniyak na wala pang kaso ng Nipah virus sa Pilipinas

Mas pinalakas na pagsusulong ng usaping pangkapayapaan, tampok sa Peace Symposium 2023

Sa ilang araw na pagtatapos ng National Consciousness Month ngayong Setyembre, isang aktibidad tungkol sa kapayapaan ang binigyang pagpapahalaga. Pinangunahan ni Captain Norsal Dimaporo, Hepe ng Armed Forces of the Philippines Peace and Development Office ang isa sa napakalaking event ng sinasabing PEACE celebration, ang Peace Symposium 2023 na may temang “The Synergy of Peacebuilding… Continue reading Mas pinalakas na pagsusulong ng usaping pangkapayapaan, tampok sa Peace Symposium 2023

Clean Air Act, panahon nang i-update ayon sa Laguna solon

Photo courtesy of Rep. Len Alonte FB

Itinutulak ngayon ni Laguna Representative Marlyn Alonte na repasuhin ang Clean Air Act. Bunsod na rin ito ng naganap na volcanic smog o vog dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal kamakailan gayundin ang smog o haze sa Kamaynilaan dahil naman sa usok mula sa mga sasakyan. Sa kaniyang House Resolution 1324, inaatasan ang Committee on… Continue reading Clean Air Act, panahon nang i-update ayon sa Laguna solon

Paglikha ng Inter-agency committee na tututok sa paghahanda para sa Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction na gaganapin sa Pilipinas sa 2024, ipinag-utos ni Pangulong Marcos

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbuo sa Inter-Agency Committee na tututok sa mga paghahanda at pag-organize ng mga aktibidad para sa Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) na gaganapin sa Pilipinas sa susunod na taon. “The IAC may establish working committees, which may include other government agencies, with representatives not… Continue reading Paglikha ng Inter-agency committee na tututok sa paghahanda para sa Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction na gaganapin sa Pilipinas sa 2024, ipinag-utos ni Pangulong Marcos

Positibong pagtaya ng IMF sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, welcome kay Speaker Romualdez

Ikinalugod ni Speaker Martin Romualdez ang pagtaya ng International Monetary Fund (IMF) na lalago pa ang ekonomiya ng Pilipinas sa ikalawang bahagi ng taon at lalo pang aarangkada sa 2024. Nakaharap ni Romualdez sa pulong ang IMF team na bumisita sa bansa sa pangunguna ni Jay Pereis. Aniya magsisilbi itong inspirasyon at hamon sa pamahalaan… Continue reading Positibong pagtaya ng IMF sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas, welcome kay Speaker Romualdez

PhilHealth, inihahanda nang ibalik sa normal ang kanilang sistema

Target ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) na maibalik na sa normal ngayong araw ang kanilang operasyon. Ito ay matapos maapektuhan ng ransomware cyber-attack ang sistema ng ahensya. Sinabi ni Philhealth President and ceo Emmanuel Ledesma Jr. sa pagdinig ng Senate Sub Committee on Finance sa panukalang 2024 budget ng Department of Health (DOH) ngayong… Continue reading PhilHealth, inihahanda nang ibalik sa normal ang kanilang sistema

Mga pamilya na apektado ng sunog sa isang bodega sa Valenzuela City, pansamantalang tumutuloy sa mga evacuation center sa lungsod

Pansamantalang tumutuloy ngayon sa mga evacuation center ang mga pamilyang apektado ng nasusunog na bodega ng hardware at construction materials sa Barangay Bagbaguin, Valenzuela City. Batay sa pinakahuling datos ng Valenzuela LGU, umabot na sa 118 na pamilya o 503 na indibdiwal ang tumutuloy sa tatlong evacuation center sa lungsod. Sa bilang na ito, 53… Continue reading Mga pamilya na apektado ng sunog sa isang bodega sa Valenzuela City, pansamantalang tumutuloy sa mga evacuation center sa lungsod

Motion for reconsideration ng It’s Showtime, ibinasura ng MTRCB

Nagpalabas na resolusyon ang Movie and Television Review Classifications Board (MTRCB) kaugnay sa motion for reconsideration ng It’s Showtime. Batay sa inilabas na desisyon ng MTRCB, denied o hindi pinagbigyan ang hirit ng It’s Showtime na baliktarin angdesisyon nito na nagpapataw ng 12 airing days suspension dito. Kaugnay ito sa reklamo ng mga manonood tungkol… Continue reading Motion for reconsideration ng It’s Showtime, ibinasura ng MTRCB

Suporta ng DND at AFP sa COMELEC para sa BSKE, tiniyak ni Sec. Teodoro

Tiniyak ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang buong suporta ng DND at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Commission on Elections (COMELEC), para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE). Ang pagtiyak ay ginawa ng kalihim sa paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DND at… Continue reading Suporta ng DND at AFP sa COMELEC para sa BSKE, tiniyak ni Sec. Teodoro