Pinadaling proseso ng pagbabayad ng buwis, maipapadala na kay Pangulong Marcos Jr. para malagdaan

Maaari nang iakyat sa lamesa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang panukalang batas na magpapadali sa proseso ng pagbabayad ng buwis at VAT refund. Ito’y matapos kapwa ratipikahan ng Senado at Kamara ang Ease of Paying Taxes Bill. Ayon kay Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, ito na ang pinaka pro-taxpayer reform na… Continue reading Pinadaling proseso ng pagbabayad ng buwis, maipapadala na kay Pangulong Marcos Jr. para malagdaan

May-ari ng SUV na sangkot sa Marikina road rafe, ipinatawag na ng LTO

Inisyuhan na ng Land Transportation Office ng show cause order ang rehistradong may-ari ng SUV na sangkot sa panibagong road rage incident na naganap naman sa lungsod ng Marikina. Sa viral video, makikitang matapos mabangga ng SUV ang isang nagbibisikleta sa bahagi ng Dragon St. ay naghamon ang driver nito ng suntukan sa nakaalitang siklista.… Continue reading May-ari ng SUV na sangkot sa Marikina road rafe, ipinatawag na ng LTO

Sec. Galvez, nagpasalamat sa liderato ng Kamara sa pagpasa ng ₱7 bilyon na “peace investment budget”

Pinasalamatan ni Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. si House Speaker Martin Romualdez, House Majority leader Rep. Manuel Jose Dalipe at Minority leader Rep. Marcelino Libanan sa kanilang “commitment” sa prosesong pangkapayapaan. Ito’y matapos na aprubahan ng House of Representatives (HOR) ang ₱7 bilyon na “peace investment budget” ng Office… Continue reading Sec. Galvez, nagpasalamat sa liderato ng Kamara sa pagpasa ng ₱7 bilyon na “peace investment budget”

Kamara, tuloy ang trabaho kahit naipasa na ang LEDAC bills

Magpapatuloy ang trabaho ng Kamara kahit pa naaprubahan na ang lahat ng LEDAC bills at kahit naka-break ang Kongreso. Salig ito sa atas ni House Speaker Martin Romualdez bago tuluyang mag-adjourn ng sesyon. Sa huling araw ng sesyon nitong Miyerkules, naghain ng mosyon si House Deputy Majority Leader Marlyn Primicias-Agabas na payagan ang mga komite… Continue reading Kamara, tuloy ang trabaho kahit naipasa na ang LEDAC bills

Command responsibility sa pamamaril ng pulis sa Malabon na ikinasawi ng 2 katao, titignan ng PNP chief

Titignan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. kung may dapat mananagot sa ilalim ng doktrina ng Command Responsibility sa nangyaring pamamaril ng pulis sa Malabon na ikinasawi ng dalawang indibidwal. Sa isang ambush interview sa Camp Aguinaldo matapos dumalo sa AFP Peace Symposium ngayong umaga, sinabi ng PNP Chief na gumugulong na ang… Continue reading Command responsibility sa pamamaril ng pulis sa Malabon na ikinasawi ng 2 katao, titignan ng PNP chief

PNP Chief, lumagda sa ‘Wall of Peace’ sa paggunita ng National Peace Consciousness Month

Lumagda sa “Wall of Peace” si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa isinagawang Armed Forces of the Philippines (AFP) Peace Symposium ngayong umaga sa Camp Aguinaldo. Kasama ng PNP Chief na lumagda sa “Wall of Peace” si Presidential Assistant Wilben Mayor ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation… Continue reading PNP Chief, lumagda sa ‘Wall of Peace’ sa paggunita ng National Peace Consciousness Month

DILG Sec. Abalos, may bilin sa mga bagong promote na generals ng PNP

Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang 112 bagong talagang mga star-rank generals ng Philippine National Police (PNP) na maging magandang huwaran sa kanilang pagsisilbi sa bayan. Ito’y matapos ang naging panunumpa ng ikalawang batch ng mga bagong na-promote na PNP star rank officer kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon… Continue reading DILG Sec. Abalos, may bilin sa mga bagong promote na generals ng PNP

Pilipinas, dapat maging agresibo sa paggiit ng naipanalong arbitral ruling

Dapat tindigan at agresibong igiit ng Pilipinas ang naipanalo nitong arbitral ruling kontra China. Ito ang sinabi ni National Defense and Security Committee Vice Chair Zia Alonto Adiong. Aniya walang halaga ang arbitral ruling kung hindi natin ito igigiit. “Pitong taon na nang inilabas ang arbitral ruling pero hanggang sa ngayon, Pilipino pa rin ang… Continue reading Pilipinas, dapat maging agresibo sa paggiit ng naipanalong arbitral ruling

Mabilis na pag-usad ng imbestigasyon sa nasawing statistician ng PSA, ipinanawagan

Nanawagan sa mga awtoridad ang Philippine Statistics Authority (PSA) para sa agarang paghahatid ng hustisya sa napatay nitong statistician na si Namer Ariate. Sa isang pahayag, nagpaabot ng pakikiramay ang PSA sa mga naulilang kaanak at mahal sa buhay ng kanilang empleyado. Kinondena rin ng ahensya ang karumal-dumal na krimen na bumiktima sa kanilang kawani.… Continue reading Mabilis na pag-usad ng imbestigasyon sa nasawing statistician ng PSA, ipinanawagan

174 micro rice retailers sa Navotas, nakatanggap ng SLP cash aid

Nadagdagan pa ang bilang ng micro rice retailers na natulungan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lungsod ng Navotas. Ito ay sa ilalim ng nagpapatuloy na distribusyon ng DSWD Sustainable Livelihood Program para sa mga magbibigas na naapektuhan ng itinakdang price cap. Para sa ikatlong batch ng mga benepisyaryo, umabot sa… Continue reading 174 micro rice retailers sa Navotas, nakatanggap ng SLP cash aid