VP Sara, nakipagpulong sa gobernador ng Fujian Province ng China sa naging pagbisita nito sa Davao City

Nakipagpulong ngayong araw si Fujian Province, China Gov. Zhao Long kay Vice President at Education Sec. Sara Duterte sa Davao City. Batay sa pahayag ng Office of the Vice President, sinasabing nagdala ng magandang balita si Zhao sa kaniyang naging pagbisita sa Pangalawang Pangulo ng bansa. Una rito ay ang renewal ng Sister City Agreement… Continue reading VP Sara, nakipagpulong sa gobernador ng Fujian Province ng China sa naging pagbisita nito sa Davao City

Pagpasa ng Magna Carta of Filipino Seafarers, magandang pamasko sa mga Marino — kay Sen. Tulfo

Itinuturing ni Senate Committee on Migrant Workers Chairman Raffy Tulfo na magandang pamasko para sa mga Pilipinong Marino ang pagkakalusot sa ikatlo at huling pagbasa ng Senate Bill 2221 o Magna Carta of Filipino Seafarers Bill. Kasabay na rin aniya ito ng pagdiriwang ng National Maritime Week. Kasunod nito, nagpasalamat si Tulfo kay Pangulong Ferdinand… Continue reading Pagpasa ng Magna Carta of Filipino Seafarers, magandang pamasko sa mga Marino — kay Sen. Tulfo

Exemption ng OFWs sa paghahain ng ITR sa ilalim ng Ease of Paying Taxes Bill, bawas sa alalahanin ng migrant workers

Welcome para kay KABAYAN party-list Rep. Ron Salo ang nalalapit na pagsasabatas ng Ease of Paying Taxes Bill. Kasunod ito ng pagratipika ng Kamara at Senado sa bicameral conference committee report ng panukala. Ayon kay Salo, oras na maging ganap na batas ng EOPT ay bawas abala ito sa ating mga OFW. Isa kasi sa… Continue reading Exemption ng OFWs sa paghahain ng ITR sa ilalim ng Ease of Paying Taxes Bill, bawas sa alalahanin ng migrant workers

Pagbabalik ng online system at website ng Philhealth, nasa final certification na

Kinumpirma ngayon ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth na nasa final certification na sila upang ganap nang maibalik ang kanilang online system at website. Ito’y matapos makumpleto ng state health insurer ang kanilang komprehensibong ulat patungkol sa ransomware attack sa kanilang website. Ayon kay Philhealth Senior Vice President Dr. Israel Francis Pargas, hawak na… Continue reading Pagbabalik ng online system at website ng Philhealth, nasa final certification na

Pangwakas na programa ng 44th National Reservist Week, pangungunahan ng DND secretary at AFP chief

Pangungunahan ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro ang pangwakas na programa ng 44th National Reservist Week ngayong Sabado. Ang programa na isasagawa sa Camp Aguinaldo ay dadaluhan din ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. Ang aktibidad ay magsisimula ng alas-7 ng umaga sa pamamagitan ng… Continue reading Pangwakas na programa ng 44th National Reservist Week, pangungunahan ng DND secretary at AFP chief

Mga tsuper sa Mandaluyong City, umaasang magtuloy-tuloy ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo

Maaga pa lamang ay may Christmas wish na ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan sa Mandaluyong City. Anila, sana’y magtuloy-tuloy na ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo na nagsimula dalawang linggo nang nakalilipas. Sa pagtatanong ng Radyo Pilipinas sa mga tsuper ng Jeepney, mabilis kasing naubos ang natatanggap nilang fuel subsidy na nagkakahalaga… Continue reading Mga tsuper sa Mandaluyong City, umaasang magtuloy-tuloy ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo

Mga rice retailer sa Pasig City Mega Market, ramdam na ang panahon ng anihan

Tila nabunutan na ng tinik ang mga rice retailer sa Pasig City Mega Market dahil matiwasay na nilang naibebenta ang kanilang tindang bigas. Ito’y ayon sa mga rice retailer ay dahil sa mas mura na ang nakukuha nilang suplay ng bigas ngayong panahon ng anihan. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sinabi ng mga rice retailer… Continue reading Mga rice retailer sa Pasig City Mega Market, ramdam na ang panahon ng anihan

Panukala para ipagbawal ang online lotto betting, aprubado na sa Komite

Posible nang maiakyat sa plenaryo ng Kamara sa pagbabalik-sesyon ang panukala upang ipagbawal ang online betting ng lotto sa bansa. Ito’y matapos aprubahan ng House Committee on Games and Amusement ang House Bill 9283 kung saan binibigyang diin na dapat ay pisikal at ginagawa sa mga awtorisadong lotto outlet ang pagtaya. Ang anumang pagbabago umano… Continue reading Panukala para ipagbawal ang online lotto betting, aprubado na sa Komite

Papel ng AFP sa pagtiyak ng mapayapang BSKE, ibinida ni Sec. Galvez

Ang Armed Forces of the Philippines ang frontliner sa pagtiyak ng mapayapang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Ito ang binigyang diin ni Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. kasunod ng isinagawang AFP Peace Forum sa Camp Aguinaldo kahapon. Ayon kay Sec. Galvez, ang mga Brigade Commander ang nakikipag-usap sa mga… Continue reading Papel ng AFP sa pagtiyak ng mapayapang BSKE, ibinida ni Sec. Galvez

Mga OFW na ide-deploy sa Iraq oras na alisin ang deployment ban, pinalilimitahan sa highly skilled workers

Nais ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte na limitahan na lang sa skilled Filipino workers ang i-deploy sa Iraq sakaling tuluyan nang alisin ang deployment ban doon. Ang pahayag ni Villafuerte ay kasabay ng pagsalang sa Commission on Appointments  ni Ambassador Charlie Pacana Manangan para sa kaniyang appointment sa Iraq. Dito sinabi ng embahador na… Continue reading Mga OFW na ide-deploy sa Iraq oras na alisin ang deployment ban, pinalilimitahan sa highly skilled workers