Agusan del Norte LGU, ibinida ang mahigit 400 na napasukong mga CTG na tinagurian ngayong ‘rescued friends’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pamahalaang probinsiyal ng Agusan del Norte, napagtagumpayan ang pagbabalik loob ng 456 ‘rescused friends’

Nakamit ang layuning mapasuko ang mga miyembro ng communist terrorist groups (CTGs) sa pakikipagkolaborasyon ng probinsiya sa 29th Infantry Battalion, 23rd Infantry Battalion, 65th Infantry Battalion, local government units, at partner agencies, stakeholders pati na komunidad.

Dito ay naipatupad ang inklusibong mga programa para sa mga sumukong CTG na nagkakahalaga sa mahigit ₱57 million, kinabibilangan ito sa financial assistance, skills training, livelihood, employment, shelter, at marami pang iba.

Mula naman sa taong 2016 hanggang Agosto 2023, nakapagpalabas na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng kabuuang P42,909,344.61 para sa pagpapatupad ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Sa parte naman ng DSWD Caraga naibahagi ng ahensiya ang nagkakahalagang ₱375,000 para sa Crisis Intervention Program at karagdagang P2,581,000 naman para sa Livelihood Settlement Grant

Samantalang skills training sa cookery, electrical installation, basic financial literacy, automotive, agricultural farming, carpentry at masonry ang kontribusyon ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Caraga upang mabigyan ng hanapbuhay at trabaho ang tinaguriang ‘rescued friends’ ng probinsiya ng Agusan del Norte. | ulat ni Jocelyn Morano | RP1 Butuan

📸 Provincial Government, Agusan del Norte

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us