Isusulong ni Senator Risa Honteviros ang dagdag pundo para sa Marawi Compensation Board (MCB) para sa pagbibigay ng kabayaran sa mga apektadong pamilya ng Marawi Siege 2017.
Ito ang kanyang pahayag sa pagbisita kahapon ng ika-14 ng Setyembre sa lungsod ng Marawi kung saan kanyang nakita ang mga pagbabago sa most affected areas kumpara sa kanyang unang pagbisita taong 2017. Maliban rito ay nakipagpulong rin siya sa mga internally displaced persons (IDPs) sa Brgy. Sagonsongan at ang mga opisyal ng MCB sa pangunguna ni Atty. Maisara Dandamun-Latiph sa loob ng Mindanao State University-Marawi Campus.
Samantala, sa update naman ni MCB Chairperson Atty. Maisarah Dandamun – Latiph, umabot na sa 4,630 ang total claims na naisumite sa kanilang tanggapan at base rito ay aabot sa higit P17-B na halaga ng mga ari-ariang nasira at kasama na rito ang death claims.
Matatandaang si Senator Hontiveros ay isa sa mga sumuporta sa pagkakapasa ng Marawi Compensation Act. | ulat ni Johaniah Yusoph | RP1 Marawi