Hinihinalang shabu at marijuana, nasamsam sa loob ng Manila City Jail Annex

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency ang isang Person Deprived of Liberty (PDL) matapos isagawa ang greyhound operation sa Manila City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

Dahil dito, masasampahan uli ng panibagong kaso ang PDL na si Elymark Dela Cruz, 25 taong gulang dahil sa paglabag sa batas na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Batay sa ulat, nagsagawa ng greyhound operation ang puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Jail Management and Penology sa nasabing pasilidad.

Nakakumpiska dito ng mga operatiba ang pinaghihinalaang shabu at marijuana na nagkakahalaga ng humigit-kumulang na P75,000.

Sa kaso ng PDL na si Dela Cruz, nakuhanan ito ng iligal na droga na itinago sa loob ng kanyang tsinelas.

Bukod dito, may nakuha ding walong sachet sa basurahan sa loob ng dormitory. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us