Isang dalaw sa NBP, arestado matapos ang pagtatangkang magpasok ng iligal na droga sa loob ng piitan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kabila ng mahigpit na kampanya ng Bureau of Correction (BUCOR) laban sa iligal na droga at iba pang kontrabando ay may mga gusto parin talagang magpupuslit ng iligal na droga papasok sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Ayon kay BUCOR Chief Director General Gregorio Pio Catapang Jr. , isang dalaw na kinilalang si Jacqueline Joson ang hinuli ng mga tauhan ng BUCOR na nagtangkang magpalusot ng 51 gramo ng hinihinalang shabu.

Ayon kay Catapang, inilagay ni Joson ang shabu sa isang plastic at itinago sa kanyang pribadong bahagi gamit ang electrical tape.

Nabatid na bisitahin sana ni Joson ang PDL na si Joseph Francisco na miyembro ng Sputnik sa Dorm 4B mula sa Medium Security Compound.

Samantala, naabutan ng mga miyembro ng Special Patrol Unit habang nagpapatrolya sa lugar si PDL Angelito Garcia sa loob ng Maxecom na balisa kung saan nakumpiska sa kanya ang 19 na sachet na naglalaman hinihinalang shabu.

Bukod sa iligal na droga nakumpiska ng BUCOR ang mga kontrabando mula Kay PDL Esmeraldo Zapra ng Dorm 8C3 Bldg 8, Quadrant 3 at PDL Alex Gregorio ng Dorm 5C, Bldg. 5, Quadrant 4 na parehong mula sa Maximum Security Compound.

Nakumpiska kay Zapra ang 3 pcs Cellular Phone, 5 pcs.CP Charger, 2 pcs headset, 2 pcs USB, 1 pc Memory Card at 1 pc Sim Card habang nakumpiska kay Gregorio ang 60 sticks ng Marlboro at 4 piraso ng cigar pipes.

Ang mga nakumpiska iligal na droga ay nai-turnover na sa Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) para tamang disposal.| ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us