Kuha ng CCTV sa mga suspek sa pamamaril sa abogado sa Abra, inilabas ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilabas ng Philippine National Police (PNP) ang larawan mula sa CCTV footage ng mga suspek sa pamamaril at pagpatay kamakailan kay Atty. Maria Saniata Liwliwa Gonzales Alzate sa Abra.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame, nanawagan si PNP Public Information Office Chief Police Police Colonel Jean Fajardo sa publiko, na tumulong sa pagkilala sa mga suspek.

Nakita sa kuha ng CCTV ang dalawang riding in tandem na suspek.

Isa sa mga ito ang naglakad papalapit kay Atty. Alzate saka pinagbabaril ang biktima at binalikan pa.

Ayon sa mga kamag-anak ng biktima, wala naman itong natatanggap na banta bago ang insidente.

Sinabi ni Fajardo, na nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon sa kaso at ipapa-enhance nila sa PNP Anti-Cybercrime Group ang hawak nilang CCTV para mas malinaw ang kuha sa mga suspek. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us