Puspusan na ang paghahanda ng mga lokal na pamahalaan at ng Philippine National Police (PNP) para sa idadaos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Kaugnay nito ay nagpulong sina Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora, PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, NCRPO Chief Gen. Melencio Nartatez Jr., mga opisyal ng NCRPO, at mga Metro Manila District Director.
Ayon kay Zamora, kabilang sa mga natalakay sa dinner meeting kagabi ang peace and order situation sa National Capital Region (NCR).
Napag-usapan din sa pulong ang mga paghahanda ng mga local government unit (LGU) at PNP, para sa ligtas at maayos na pagdaraos ng BSKE at Undas 2023.
Inaasahan kasi ng Commission on Elections na magiging mainit ang eleksyon ngayong taon, lalo pa’t matagal na naupo sa puwesto ang mga barangay at SK official matapos na ilang beses na ipinagpaliban ang pagsasagawa ng BSKE.
Gaganapin naman ang BSKE sa October 30, 2023. | ulat ni Diane Lear