Pinapasauli ng Philippine National Police ang natanggap na retirement pay ni Wilfredo Gonzales, ang dating pulis na nanutok ng baril sa isang siklista sa Quezon City kamakailan.
Sa pulong-balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PBGen. Nino David Rabaya, director ng PNP Retirement and Benefits Administration Service, na mahigit sa P500,000 ang dapat isauli ni Gonzales.
Ayon kay Rabaya, mahaharap sa civil case si Gonzales, sakaling mabigo itong isauli ang naturang halaga.
Ang halagang ito ay katumbas ng retirement pay na tinanggap ni Gonzales mula 2016 hanggang 2018.
Nabatid na itinigil na ng PNP noong 2018 ang pagbibigay ng mga benepisyo ni Gonzales nang ma-dismiss siya sa serbisyo.
Pero nakatanggap ito ng retirement pay simula pa 2016 nang magretiro siya sa serbisyo pagsapit ng mandatory retirement age na 56. | ulat ni Leo Sarne