Pagbabago sa polisiya ng MARINA para matugunan ang mga aksidente sa karagatan, isinusulong ni Senador Joel Villanueva

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ni Senate Majority Leader Joel Villanuave ang Maritime Industry Auhtority (MARINA) na magpatupad ng mga radikal na pagbabago sa kanilang mga polisiya bunsod na rin ng mga naitatalang maritime accidents sa mga nakaraang mga taon.

Sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Finance tungkol sa panukalang pondo ng DOTr para sa susunod na taon, binahagi ng ahensya na base sa datos ay umabot ng 782 ang maritime accidents sa Pilipinas mula 2018 hanggang 2022.

Pinunto naman ni Villanueva na ngayong taon lang, halos sunod-sunod ang mga nagyaring aksidente sa karagatan, gaya na lang ng pagkasunog ng MV Esperanza noong Hulyo at pagtaob ng MV Aya Express na ikinasawi ng 27 na katao.

Sang-ayon naman si MARINA administrator Hernani Fabia na nakakaalarma ito.

Aminado si Fabia, tila hindi sila kinatatakutan dahil walang ngipin ang kanilang mga polisiya.

Binahagi naman ng opisyal na kabilang sa mga ginagawa nilang aksyon ang pag-educate sa mga vessel owner sa pamamagitan ng pagsasagawa ng maritime vessel summit at nagkakaroon rin ng review sa kanilang mga polisiya.

Hinihiling rin ng ahensya na maamyendahan ang batas na bumuo sa MARINA (PD 474) na halos limampung taon na ang tanda.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us