Pagsala ng ikalawang batch ng MILF-MNLF applicants sa PNP, nagsimula

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinimulan na ang pagsala sa ikalawang batch ng mga dating mandirigma ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) na inendorso ng Bangsamoro government para maging miyembro ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Undersecretary Wilben M. Mayor, Presidential Assistant and Head of Secretariat for the National Government Intergovernmental Relations Body (IGRB) ng Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) ito ay para makumpleto ang 400 quota na inilaan sa MILF-MNLF sa Philippine National Police (PNP) Recruitment Program for CY 2023.

Isinagawa nitong weekend ang Body Mass Index (BMI) screening at Physical Agility Test sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), Camp Salipada K Pendatun.

Dito’y nakapasa ang 183 MNLF members, na kinabibilangan ng 174 lalaki at 9 na babae; at 65 MILF members na binubuo ng 50 lalaki at 15 babae.

Ang mga nakapasa ay sumailalim sa Psychological and Psychiatric Exam kahapon, na susundan ng physical, medical at dental exam sa Setyembre 16. | ulat ni Leo Sarne

📷: OPAPRU

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us