Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng mataas na kapulungan ng kongreso ang panukalang Magna Carta of Filipino Seafarers (Senate Bill 2221).
Una nang sinertipikahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na urgent bill ang panukalang ito.
Sa naging botohan, 14 ang senador bumotong pabor, walang tumutol at walang nag abstain.
Ayon ng naturang panukala na maitaguyod ang kapakanan at patuloy na pag eempleyo ng mga Pinoy seafarer.
Target rin nitong matugunan ang mga pagkukulang sa mga batas ng Pilipinas kaugnay ng training at accreditation ng libu-libong Pinoy seafarer na naglalagay sa kanilang employment sa alanganin, lalo na sa European market at sa global arena.
Ginagarantiya rin ng panukala sa international community na ang Pilipinas ay sumusunod sa mga obligasyon na tiyaking ang mga training, pasilidad at equipment natin ay naaayon sa international standards at sa mga kaugnay na conventions.
Sa huling araw ng sesyon ng Senado, niratipikahan rin ng mataas na kapulungan ang Bicameral Conference Committee report para sa dalawang priority bills ng administrasyon.
Ito ang public-private partnership bill at ang ease of paying taxes bill.| ulat ni Nimfa Asuncion