Nagkaroon ng pagpupulong sina Senate President Juan Miguel Zubiri kasama ang mga Gobernador at Bise Gobernador ng Negros Occidental Negros Oriental at Siquijor para talakayin ang panukalang pagsamahin ang mga probinsyang ito sa ilalim ng iisang rehiyon.
Nag-commit si Zubiri na muling isusulong ang pagtatatag ng Negros Island Region (NIR) para mapalapit sa mga residente doon ang gobyerno.
Kahit kasi nasa iisang isla lang, kasalukuyang bahagi ng magkaibang rehiyon ang Negros Occidental, at Negros Oriental – ang Occidental sa Region 6 habang Region 7 naman ang Oriental.
Nasa Region 7 rin nakapailalim ang Siquijor.
Pinunto ng Senate leader na ang sitwasyong ito ay nagiging pahirap sa mga residente ng naturang mga lugar.
Halimbawa aniya, ang mga residenteng kinakailangang magproseso ng dokumento sa gobyerno ay kinakailangan pang bumiyahe sa Iloilo
Kasama din sa naging pagpupulong sina Senate Committee on Local Government Chairman Senador JV Ejercito, at Special Assistant to the President Anton Lagdameo. | ulat ni Nimfa Asuncion