Humina na ang “Smog” na bumalot sa ilang lugar sa Metro Manila kahapon.
Sa media forum, sinabi ni Juanito Galang, Weather Services Chief, Weather Division ng DOST-PAGASA, nakatulong umano ang mga pag-ulan at ang paggalaw ng hangin para tuluyan nang mawala ang smog sa Metro Manila.
Nilinaw din nito na galing sa emission ng mga sasakyan at industriya ang smog at maliit na bahagi lang ang volcanic smog o vog mula sa bulkang Taal.
Ang pagkaroon aniya ng smog ay natataon kapag nagkaroon ng thermal inversion,ibig sabihin nangyayari ito kapag ang hangin ay nagsimulang lumamig.
Nagkakaroon na ng presensiya ng smog kapag hindi gumalaw ang mga pollutants.
Aniya base sa obserbasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), walang kinalaman ang Taal vog sa nangyaring smog sa Metro Manila.
Maraming factors umano para maiiwasan ang smog, isa na rito kung mabawasan ang polusyon mula sa mga sasakyan at mga industriya.| ulat ni Rey Ferrer