Suspensyon ng noontime show na ‘It’s Showtime’, hiwalay sa isyu ng ‘No work, no pay’ sa mga empleyado nito — MTRCB

Nilinaw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na hiwalay na isyu ang suspensyon nito sa noontime TV program na “It’s Showtime” sa polisiyang “No work, no pay” sa mga apektadong empleyado ng programa. Sa isang pahayag, sinabi ng MTRCB na nakikisimpatya ito sa mga manggagawang posibleng maapektuhan sa oras na maipatupad ang… Continue reading Suspensyon ng noontime show na ‘It’s Showtime’, hiwalay sa isyu ng ‘No work, no pay’ sa mga empleyado nito — MTRCB

Kadiwa ng Department of Agriculture, may hotline na

Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na mayroon na ring sariling hotline ang programa nitong Kadiwa. Kasunod ito ng pakikipag-partner ng DA sa ePLDT para sa pagbubukas ng DA KADIWA Hotline 1381. Ayon sa DA, sa pamamagitan ng naturang hotline, maaaring ilapit ng publiko ang kanilang mga katanungan sa Kadiwa. Sa ngayon ay ongoing na… Continue reading Kadiwa ng Department of Agriculture, may hotline na

Zamboanga Peninsula Exposition, bubuksang muli ngayong Oktubre sa Zamboanga City

Bilang bahagi ng mga aktibidad ng Zamboanga Hermosa Festival ngayong buwan ng Oktubre sa lungsod ng Zamboanga, inaasahang magbabalik muli ang Zamboanga Peninsula Exposition o ZAMPEX 2023 na tinaguriang pinakamalaking trade fair sa Region 9. Tampok sa trade fair na ilulunsad ng Department of Trade and Industry 9 sa darating na Oktubre 6-8, 2023 sa… Continue reading Zamboanga Peninsula Exposition, bubuksang muli ngayong Oktubre sa Zamboanga City

Majority at minority solons, nagkasundo para pag-isahin ang panukalang mag-oobliga sa non-custodial parent na magbigay sustento sa anak

Nagsanib pwersa sila House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at House Senior Deputy Minority Leader Paul Daza para isulong ang proteksyon sa mga solo parent at panagutin ang mga magulang na ayaw magbigay ng suporta sa kanilang mga anak. Sa isang panayam sinabi ni Daza na nais nilang pagsamahin ni Tulfo, ang kanilang House Bill… Continue reading Majority at minority solons, nagkasundo para pag-isahin ang panukalang mag-oobliga sa non-custodial parent na magbigay sustento sa anak

Naranasang malawakang brownout sa Metro Manila, ilang lalawigan kagabi, iniimbestigahan na ng NGCP

Kinumpirma ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na nagkaroon ng grid disturbance sa Luzon kagabi, October 1, na nagresulta ng automatic load dropping (ALD) sa Metro Manila at ilang lalawigan. Ayon sa NGCP, partikular na naapektuhan ng aberya ang San Jose-Nagsaag 500 kilovolt transmission line 2 at iba pang power plants sa Luzon.… Continue reading Naranasang malawakang brownout sa Metro Manila, ilang lalawigan kagabi, iniimbestigahan na ng NGCP

Panibagong zipper lane sa Katipunan Ave., bubuksan tuwing rush hour

Sinimulan na ng Quezon City Traffic and Transport Management Department (TTMD) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang dry run ng isa pang bagong zipper lane sa kahabaan ng Katipunan Avenue bilang tugon sa kadalasang problema ng pagbigat ng daloy ng mga sasakyan tuwing morning rush hour. Partikular na iiral ang dry run ng zipper… Continue reading Panibagong zipper lane sa Katipunan Ave., bubuksan tuwing rush hour

₱900-M, inilaan para sa pamamahagi ng World Teachers’ Day Incentive Benefit ngayong taon

Nasa 900,000 public school teachers ang nakatakdang makatanggap ng kani-kanilang World Teachers’ Day Incentive Benefit (WTDIB) sa October 5 bilang bahagi ng World Teacher’s Day. Ayon kay Quezon City Representative Marvin Rillo, ngayong 2023, pinaglaanan ng Kongreso ng ₱900 million ang teachers’ incentives. Tuwing ika-5 ng Oktubre ang mga guro sa pampublikong paaralan ay makatatanggap… Continue reading ₱900-M, inilaan para sa pamamahagi ng World Teachers’ Day Incentive Benefit ngayong taon

Subsidiya ng gobyerno sa PUV Modernization Program, nais padagdagan ni Sen. Gatchalian

Nanawagan si Senador Sherwin Gatchalian na dagdagan ang hapaga ng subsidiya na inilalaan ng gobyerno para sa modernization program ng public utility vehicles (PUVs). Pinunto ng senador na nasa 60 percent lang ang compliance rate ngayon at walang alokasyon para sa PUV modernization sa ilalim ng panukalang 2024 National Budget. Binigyang-diin ni Gatchalian na ang… Continue reading Subsidiya ng gobyerno sa PUV Modernization Program, nais padagdagan ni Sen. Gatchalian

Pagpapatupad ng price ceiling sa bigas, posibleng alisin na — NEDA

Posible nang alisin anumang araw mula ngayon ang ipinatutupad na Executive Order no. 39 o ang price cap sa bigas. Ito ang ipinahiwatig ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan. Ani Balisacan, ilang indikasyon para alisin aniya ang EO-39 ay ang gumagandang presyuhan ng bigas ngayong panahon ng anihan. Bagaman malinaw din… Continue reading Pagpapatupad ng price ceiling sa bigas, posibleng alisin na — NEDA

Pagpapalakas ng Reserve Force at Civil Defense Units, binigyang diin ni DND Sec. Teodoro

Mahalagang palakasin ang Reserve Force at Civil Defense Units para sa seguridad ng mga komunidad. Ito ang binigyang-diin ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro sa pangwakas na palatuntunan ng 44th National Reservist Week nitong Sabado sa Camp Aguinaldo. Ayon kay Teodoro kasalukuyang binabago ng Armed Forces of the Philippines ang disenyo ng… Continue reading Pagpapalakas ng Reserve Force at Civil Defense Units, binigyang diin ni DND Sec. Teodoro