DTI, ikinatuwa ang pag-apruba ng 3-year logistic plan ni Pres. Marcos Jr.

Ikinatuwa ng Deprtment of Trade and Industry (DTI) ang pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 3-year Logistic Plan ng bansa. Ayon kay (DTI) Secretary Alfredo Pascual layon ng naturang logistic plan na magkaroon ng maayos na logisitc plan ang buong bansa at mapabilis ang pagbiyahe ng mga pangunahing produkto sa bansa. Dagdag pa… Continue reading DTI, ikinatuwa ang pag-apruba ng 3-year logistic plan ni Pres. Marcos Jr.

Maritime incident na nagresulta sa pagkakasawi ng tatlong mangingisda, ‘di sinadya – PCG  

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) na hindi deliberate o hindi sinadya ang pagbangga ng isang oil tanker sa bangka ng mga Pilipinong mangingisda, madaling araw ng Lunes (October 2), na nagresulta sa pagkakasawi ng tatlong mangingisda. Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PCG Commodore Jay Tarriela na nanggaling na rin… Continue reading Maritime incident na nagresulta sa pagkakasawi ng tatlong mangingisda, ‘di sinadya – PCG  

Inflation nitong Setyembre, bumilis sa 6.1% — PSA

Bumilis ang inflation o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Setyembre. Sa ulat ni Philippine Statistics Authority (PSA) Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, umakyat sa 6.1% ang inflation nitong Setyembre, mula sa 5.3% noong Agosto. Habang ang average inflation naman mula Enero hanggang Setyembre ay nanatili sa 6.6%.… Continue reading Inflation nitong Setyembre, bumilis sa 6.1% — PSA

Mga nabiktima ng Alpha Assistenza na nag-aalok ng trabaho kapalit ng pera sa bansang Italy, umabot na sa 221 – DFA  

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na umabot na sa 221 individuals ang nabibiktima ng Alpha Assistenza, na nanghingi umano ng pera kapalit ang ipinangakung trabaho sa Italy. Ayon sa DFA, sa nasabing bilang 60 dito na mga Filipino ang patuloy na tinutulungan ng konsulado para magsampa ng reklamo laban sa Alpha Assistenza. Sila… Continue reading Mga nabiktima ng Alpha Assistenza na nag-aalok ng trabaho kapalit ng pera sa bansang Italy, umabot na sa 221 – DFA  

DTI Sec. Pascual, ikinatuwa ang pagkakapasa sa 3rd Reading ng Internet Transaction Act

Ikinatuwa ni Trade Secretary Alfredo Pascual ang Pagkakapasa sa 3rd Reading ng Internet Transaction Act na naglalayon ng pagprotekta sa mga consumers sa pagbili thru online. Aniya, malaking tulong ang naturang batas sa pagkakaroon ng mga pamantayan sa pagbili ng mga produkto at serbisyo at upang maiwaksi na ang mga online scams. Dagdag pa ng… Continue reading DTI Sec. Pascual, ikinatuwa ang pagkakapasa sa 3rd Reading ng Internet Transaction Act

Nasawi sa sunog sa Western Bicutan, Taguig City umabot sa 4 na indibidwal — BFP

Apat ang kumpirmadong patay sa sunog na sumiklab sa bahagi ng Gumamela Street sa Katipunan Village sakop ng Barangay Western Bicutan sa Taguig City. Yan ay batay sa inisyal na imbestigasyon na inilabas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Taguig. Wala pang binanggit ang BFP kaugnay ng pagkakilanlan ng mga nasawing biktima na ayon… Continue reading Nasawi sa sunog sa Western Bicutan, Taguig City umabot sa 4 na indibidwal — BFP

Alpha assistenza, handang makibahagi sa imbestigasyon ng sinasabing recruitment scam

Tiniyak ng abugado ng Alpha Assistenza, ang kumpanya na sinasabing nag-recruit at humingi ng pera sa daan-daang indibidwal, na lalabas ang katotohanan sa isyu ng recruitment scam. Ayon sa abugado na nagpakilalang Atty. Charlie Pascual, nagpunta siya sa tanggapan ng Department of Justice para mag-manifest na sila ay makikibahagi sa nangyayaring imbestigasyon sa reklamo. Paliwanag… Continue reading Alpha assistenza, handang makibahagi sa imbestigasyon ng sinasabing recruitment scam

Mga babaerong pulis, binalaan ng IMEG

Binalaan ni PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) Director Police Brig. General Warren de Leon ang buong hanay ng PNP na hindi nila kukunsintihin ang mga imoral na gawain ng ilang pulis bilang pagsuporta sa 5 Focus Agenda ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. Ang babala ay ginawa ni de Leon matapos… Continue reading Mga babaerong pulis, binalaan ng IMEG

MIAA, muli na namang naglabas ng flight cancellationsa 3 int’l flights ngayong araw

Naglabas ang pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ng flight cancellation sa tatlong international flight ng Air Asia at Cebu Pacific dahil sa masamang lagay ng panahon. Ayon sa MIAA, kabilang sa mga kanselado ang dalawang flight ng Air Asia flight Z2 132/133 Manila-Kaohsiung-Manila. Habang kanselado din ang isang Cebu Pacific flight 5J 311… Continue reading MIAA, muli na namang naglabas ng flight cancellationsa 3 int’l flights ngayong araw

LTO, mag-iisyu na muli ng plastic license cards

Inanunsyo ng Land Transportation Office na muli na itong mag-iisyu ng plastic license cards para sa mga motorista kabilang ang mga may expired nang lisensya mula noong Abril. Kasunod na rin ito ng pagdating na ng bagong suplay ng plastic drivers license cards sa ahensya. Sa inilabas nitong memo, nagtakda ng iskedyul ang LTO kung… Continue reading LTO, mag-iisyu na muli ng plastic license cards