Philippine Red Cross, agad rumesponde sa nangyaring aksidente sa Subic Bay Freeport

Iniulat ng Philippine Red Cross ang kanilang pagresponde sa nangyaring aksidente sa Subic Toll Expressway sa Subic Bay Freeport Zone noong Oktubre 3. Ito’y makaraang bumangga ang isang pampasaherong bus sa Rescue Squad Van ng Subic Bay Metropolitan Authority o SBMA na nagresulta sa pagkakasugat ng 16 na indibidwal. Ayon sa PRC, agad na nalapatan… Continue reading Philippine Red Cross, agad rumesponde sa nangyaring aksidente sa Subic Bay Freeport

Mga kaso ng karahasan sa mga kabataan kabilang ang pananampal sa isang Grade 5 student, iniimbestigahan na rin ng CHR

Nagkasa na rin ng sariling imbestigasyon ang Commission on Human Rights (CHR) sa mga napaulat na sunod-sunod na namang karahasan sa mga kabataan. Kabilang dito ang kaso ng ginahasa at pinaslang na tatlong taong gulang na bata sa Sultan Kudarat at pati ang pagkasawi ng isang Grade 5 student sa Antipolo, Rizal na umano’y sinampal… Continue reading Mga kaso ng karahasan sa mga kabataan kabilang ang pananampal sa isang Grade 5 student, iniimbestigahan na rin ng CHR

USAID, namahagi ng educational kits sa mga estudyanteng apektado ng bagyo sa Santa Ana, Cagayan

Namahagi ng kalahating milyong pisong halaga ng educational kits ang United States Agency for International Development (USAID) sa mga estudyante ng mga paaralang apektado ng mga nagdaang bagyo sa Santa Ana, Cagayan. Ang educational kits na kinabibilangan ng mga aklat na pang kindergarten hanggang grade 3, at mga teaching material, ay pakikinabangan ng 3,000 estudyante… Continue reading USAID, namahagi ng educational kits sa mga estudyanteng apektado ng bagyo sa Santa Ana, Cagayan

Halos 200 indibidwal sa Batanes, apektado ng bagyong Jenny — DSWD

Nakapagtala na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng halos 200 indibidwal na apektado ng bagyong Jenny sa lalawigan ng Batanes. Batay yan sa tala ng DSWD Field Office 2 sa gitna ng patuloy na pananalasa ng bagyong Jenny. Ayon sa DSWD, mayroong tatlong pamilya sa tatlong barangay ang apektado rin ng kalamidad.… Continue reading Halos 200 indibidwal sa Batanes, apektado ng bagyong Jenny — DSWD

Pagpapatrolya ng Coast Guard, mas dapat paigtingin matapos mabangga ang bangkang pangisda sa Bajo de Masinloc

Lalo pang dapat palakasin ang pagpapatrolya ng Philippine Coast Guard (PCG) sa ating katubigan kasunod ng insidente ng pagbangga ng isang foreign vessel sa bangkang pangisda sa Bajo de Masinloc na ikinasawi ng tatlong Pilipinong mangingisda. Ayon kay Deputy Minority Leader France Castro, ipinapakita lamang nito na mas dapat mabuhusan ng pondo ang ating Coast… Continue reading Pagpapatrolya ng Coast Guard, mas dapat paigtingin matapos mabangga ang bangkang pangisda sa Bajo de Masinloc

PBBM, inatasan ang Philippine Coconut Authority na bumuo ng development at rehab plan para sa coconut industry para sa susunod na 5 taon

Pinagsusumite ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Coconut Authority (PCA) ng development and rehabilitation plan para sa susunod na limang taon. Ang kautusan ay ginawa ng Chief Executive nang makapulong nito ang mga opisyales ng PCA sa Malacañan na doon ay napag- usapan din ang target na makapagtanim ng 100 milyong puno ng… Continue reading PBBM, inatasan ang Philippine Coconut Authority na bumuo ng development at rehab plan para sa coconut industry para sa susunod na 5 taon

1.4 kilometer farm to market road sa Davao del Norte, 90% nang tapos

Halos patapos na ang ginagawang kalsada na mapapakinabangan ng mga magsasaka sa Davao del Norte. Ito ang report na tinanggap ni Sec. Manuel Bonoan ng Department of Public Works and Highways mula kay Regional Director Juby Cordon. Ang naturang kalsada na may habang 1.4 kilometers ay pinondohan ng national government na nagkakahalaga ng P44. 9… Continue reading 1.4 kilometer farm to market road sa Davao del Norte, 90% nang tapos

Mega job fair, muling binuksan sa Caloocan

Muling umarangkada sa Caloocan ang isang mega job fair na nag-aalok ng iba’t ibang oportunidad at trabaho sa mga residente. Sa abiso ng pamahalaang lungsod, isasagawa ang Mega Job Fair sa Caloocan City Sports Complex mula alas-8 ng umaga hanggang mamayang alas-4 ng hapon. Pangungunahan ito ng Caloocan Public Employment Service Office (PESO). Ayon kay… Continue reading Mega job fair, muling binuksan sa Caloocan

House tax chief, tiwalang huhupa ang inflation rate ngayong buwan

Kumpiyansa si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda na unti-unting huhupa ang inflation rate ngayong buwan ng Oktubre. Ito’y matapos pumalo sa 6.1% ang inflation rate para sa buwan ng Setyembre mula sa 5.3% noong Agosto. Ang naturang pagtaas sa inflation rate ay bunsod ng epekto ng taas presyo ng bigas at krudo.… Continue reading House tax chief, tiwalang huhupa ang inflation rate ngayong buwan

Pulis na sangkot sa pamamaril sa Novaliches, sinampahan na ng kaso — QCPD

Nahaharap na ngayon sa iba’t ibang kaso ang pulis na namaril ng isang lalaking nakaalitan umano sa isang bar sa Novaliches, Quezon City. Sa isang pahayag, sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Chief Brigadier General Red Maranan na agad na naaresto ang sangkot na pulis na si Patrolman Edwin Rivera, 26 taong gulang, at… Continue reading Pulis na sangkot sa pamamaril sa Novaliches, sinampahan na ng kaso — QCPD