NEDA Chief, naniniwala pa rin na magiging masaya ang Pasko ng mga Pilipino

Positibo si National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na masaya pa rin ang Pasko ng mga Pilipino ngayong taon. Sa Press Chat with the Media, sinabi ni Balisacan na bagaman mataas ang pinakahuling inflation at nagdulot ito ng pagkabahala sa pag-abot ng growth target ng bansa, naniniwala ang kalihim sa kakayahan ng bansa.… Continue reading NEDA Chief, naniniwala pa rin na magiging masaya ang Pasko ng mga Pilipino

Sen. Tolentino, nagbigay ng tulong sa pamilya ng 3 Pilipinong mangingisda na nasawi sa ramming incident sa karagatan ng Pangasinan

Copy of Copy of cttee hearing - 1

Personal na binisita ni Senador Francis Tolentino ngayong araw ang burol ng tatlong mangingisdang Pilipino na nasawi matapos banggain ng isang foreign vessel ang sinasakyan nilang bangkang pangisda sa karagatan ng Pangasinan nitong October 2. Kabilang sa mga mangingisdang nasawi sa naturang insidente sina Dexter Laudencia, Romeo Mejeco, at Benedicto Olandria. Nagpaabot rin ng tulong… Continue reading Sen. Tolentino, nagbigay ng tulong sa pamilya ng 3 Pilipinong mangingisda na nasawi sa ramming incident sa karagatan ng Pangasinan

Sen. Robin Padilla, ipinapanukalang mabigyan ng digital access ang mga Pilipinong Muslim sa Sharia Courts

Naghain si Senador Robin Padilla ng isang panukalang batas na layong bigyan ng digital access ang mga Muslim Filipino sa Sharia courts. Sa ilalim ng Senate Bill 2462, ipinapanukala ni Padilla na maamyendahan ang ilang probisyon ng Republic Act 9997 o ang National Commission on Muslim Filipinos Act para maging mas accessible sa mga Pilipinong… Continue reading Sen. Robin Padilla, ipinapanukalang mabigyan ng digital access ang mga Pilipinong Muslim sa Sharia Courts

NEDA, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng publiko at pribadong sektor upang makapagbigay ng murang pabahay sa mga Pilipino

Binigyang diin ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang kahalagahan ng patutulungan ng publiko at pribadong sektor, upang tiyakin na mabibigyan ng abot-kayang pabahay ang mga Pilipino. Sa ginanap na 31st National Developers Convention sa Cebu City, tinalakay ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan ang mga istratehiya at priority legislative agenda sa Philippine Development Plan… Continue reading NEDA, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng publiko at pribadong sektor upang makapagbigay ng murang pabahay sa mga Pilipino

Pangulong Marcos Jr., inatasan ang DPWH Region 6 na pabilisin ang rehabilitasyon ng Paliwan bridge sa probinsya ng Antique

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 6 na pabilisin ang rehabilitasyon ng Paliwan Bridge na dumudugtong sa mga bayan ng Bugasong at Laua-an, Antique na nasira sa kasagsagan ng Bagyong Paeng noong nakaraang taon. Sa muling pagbisita ni President Marcos sa Antique kung saan pinangunahan… Continue reading Pangulong Marcos Jr., inatasan ang DPWH Region 6 na pabilisin ang rehabilitasyon ng Paliwan bridge sa probinsya ng Antique

Pamahalaang lokal at nasyonal, hinimok na magkaroon ng kolektibong pagkilos para tugunan ang mataas na presyo ng bilihin

Hinimok ni House Speaker Martin Romualdez ang mga kapwa civil servant na magtulungan at magkaisa para masigurong maibsan ang epekto ng inflation at mataas na presyo ng mga bilihin. Ayon sa House leader, ang mga opisyal ng lokal at pamahalaang nasyonal ay dapat magtulong-tulong sa pagpapatupad ng mga programa para tugunan ang pasanin ng publiko.… Continue reading Pamahalaang lokal at nasyonal, hinimok na magkaroon ng kolektibong pagkilos para tugunan ang mataas na presyo ng bilihin

DILG at PCA, lumagda ng kasunduan para mapataas ang coconut production sa bansa

Magtutulungan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine Coconut Authority (PCA) upang mapataas ang coconut production sa bansa. Kaugnay nito ay lumagda sa Memorandum of Understanding ang dalawang ahensya upang magtulungan sa Massive Coconut Planting and Replanting Project 2023-2028 ng PCA. Pinangunahan nina DILG Secretary Benhur Abalos at PCA Administrator Bernie… Continue reading DILG at PCA, lumagda ng kasunduan para mapataas ang coconut production sa bansa

BFAR, nagbigay ng tulong sa mga pamilya ng mga nasawing mangingisda sa Bajo de Masinloc

Nagbigay ng tulong ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pamilya ng nakaligtas at nasawing mangingisda matapos banggain ng isang dayuhang barko ang kanilang bangka sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal sa West Philippine Sea. Sa naging pagbisita ni BFAR National Director Atty. Demosthenes Escoto sa lamay ng tatlong mangingisda sa Calapandayan,… Continue reading BFAR, nagbigay ng tulong sa mga pamilya ng mga nasawing mangingisda sa Bajo de Masinloc

Bilyon-bilyong pisong halaga ng shabu, iprinisinta sa media ng Customs at PNP 

Ipinakita na sa media ng Bureau of Customs (BOC) at ng Philippine National Police (PNP) ang bilyon-bilyong pisong halaga ng shabu, na nasabat sa Manila International Container Port (MICP) sa Maynila.  Pinangunahan ang naturang presentasyon ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. Ayon kay Acorda, ang pagkakasabat sa mga droga ay sanib-pwersa ng pamahalaan matapos na… Continue reading Bilyon-bilyong pisong halaga ng shabu, iprinisinta sa media ng Customs at PNP 

Barko na nakabangga sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc, nakadaong ngayon sa Singapore – PCG

Ibinunyag ng Philippine Coast Guard (PCG) na kasalukuyang nakadaong ngayon sa Singapore ang Pacific Anna na responsable sa pagbangga sa bangka ng Filipino Fishing Boat Darean, na nangyari sa Bajo de Masinloc noong Lunes ng umaga. Ito ang kinumpirma ni PCG Spokesperson Rear Admiral Arman Balilo, kasabay ng pagtitiyak na nakikipag-ugnayan na ang Embahada ng… Continue reading Barko na nakabangga sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc, nakadaong ngayon sa Singapore – PCG