Paggamit ng tumbler sa halip na plastic bottles, inirekomenda ng MMDA

Naniniwala ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na kayang maiwasan ang pagbara ng mga daluyan ng tubig gaya ng mga kanal, estero at iba pa kung lilimitahan na ang paggamit ng plastik. Kaya naman payo ng MMDA sa publiko, sa halip na bumili ng tubig na nakalagay sa plastik na bote, mas mainam na… Continue reading Paggamit ng tumbler sa halip na plastic bottles, inirekomenda ng MMDA

DFA, patuloy na bineberipika kung may Pilipino nang nadamay sa paghahasik ng kaguluhan ng grupong Hamas sa Israel

Patuloy ang pagbeberipika ng Department of Foreign Affairs (DFA) kung may Pilipinong nadamay o na-kidnap sa paghahasik ng kaguluhan ng groupong Hamas sa bansang Israel. Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Teresita Daza, may natanggap na silang pag-uulat na may mga Pilipinong na-capture ng grupong Hamas nitong Sabado ng umaga ngunit hindi pa ito opisyal. Dagdag… Continue reading DFA, patuloy na bineberipika kung may Pilipino nang nadamay sa paghahasik ng kaguluhan ng grupong Hamas sa Israel

Ilang jeepney drivers sa Antipolo City, hindi na muna naniningil ng dagdag pisong pamasahe

Pinili na lamang ng ilang mga jeepney driver sa Marcos Highway sa Antipolo City na huwag na munang singilin sa mga pasahero ang pisong provisional increase sa pamasahe. Ito’y kahit pa una nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na hindi na kailangan pa ng tarima o fare matrix. Gayunman, sa… Continue reading Ilang jeepney drivers sa Antipolo City, hindi na muna naniningil ng dagdag pisong pamasahe

Militar at simbahan, magtutulungan para itaguyod ang kapayapaan sa Negros

Nagkasundo ang militar at simbahan na magtulungan para itaguyod ang kapayapaan sa Negros Island. Resulta ito ng pagbisita ni 3rd Infantry (Spearhead) Division Commander MGen. Marion R. Sison kasama ang mga matataas na opisyal-militar sa rehiyon, kay Bishop Gerardo A. Alminaza, Bishop ng San Carlos Diocese, sa Barangay Palampas, San Carlos City, Negros Occidental, kahapon.… Continue reading Militar at simbahan, magtutulungan para itaguyod ang kapayapaan sa Negros

Project Amorsolo Exhibit, tampok sa Quezon City Hall

Bilang pagdiriwang sa ika-84 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Lungsod Quezon, at komemorasyon sa ika-51 anibersaryo ng pagkamatay ng National Artist na si Fernando Amorsolo, itinampok ngayon sa Quezon City Hall ang isang exhibit tribute na tinawag na Project Amorsolo. Katuwang ang PinoyLUG (LEGO User Group) ay muling binigyang buhay ang tatlong kilalang gawa ng… Continue reading Project Amorsolo Exhibit, tampok sa Quezon City Hall

Ilang kumpanya ng langis, naglabas ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo

Naglabas na ang ilang mga kumpanya ng langis ng panibagong rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, October 10. Simula bukas ng alas-6 ng umaga, magpapatupad ang kumpanyang Philippines Shell, Sea Oil at Petro Gazz ng ₱3.50 na rollback sa kada litro ng gasolina habang ₱2.45 ang ibababa sa kada litro ng diesel habang… Continue reading Ilang kumpanya ng langis, naglabas ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo

Dating kawani ng LTO na sangkot sa isang viral road rage video, pinahaharap sa ahensya

Ipatatawag sa Land Transportation Office (LTO) Central Office Intelligence and Investigation Division ang dati nitong empleyado na sangkot sa isa na namang viral road rage video sa Bulacan. Sa naturang video, makikita ang tila pambu-bully ng dating LTO personnel na ibinagsak pa ang cellphone ng nakaalitang delivery rider. Matapos makarating kay LTO Chief Assistant Secretary… Continue reading Dating kawani ng LTO na sangkot sa isang viral road rage video, pinahaharap sa ahensya

DILG at Union of Local Authorities of the Philippines, magtutulungan sa implementasyon ng EO-41

Nakipagpulong si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa mga opisyal ng Union of Local Authorities of Philippines (ULAP) para sa pagpapatupad ng Executive Order (EO) 41 alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Inilabas nitong nakaraang linggo ang Executive Order 41 na nagsususpinde sa paniningil o… Continue reading DILG at Union of Local Authorities of the Philippines, magtutulungan sa implementasyon ng EO-41

Binuong task force ng DMW vs. investment scam, pinuri ng isang mambabatas

Welcome para kay OFW Party-list Representative Marissa Magsino ang pagbuo ng Department of Migrant Workers (DMW) ng isang task force na tututok laban sa investment scams na bumibiktima lalo na sa mga Overseas Filipino Worker (OFW). Aniya mahalagang hakbang ito para protektahan ang financial interest ng mga OFW. “I commend the Department of Migrant Workers… Continue reading Binuong task force ng DMW vs. investment scam, pinuri ng isang mambabatas

2025 National and Local Elections, mas magiging mahigpit — COMELEC

Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na mas dodoblehin nila ang paghihigpit  sa halalan pagsapit ng 2025.  Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, mas makukulit at makakapal ang mukha ng mga nasa ational at local elections kaya kailangan doble higpit ang kanilang gagawing pagbabantay.  Paliwanag ni Garcia ang kanilang ginagawa ay para sa taumbyan… Continue reading 2025 National and Local Elections, mas magiging mahigpit — COMELEC