12 Pinoy at 8 dayuhang sangkot sa investment scam, arestado ng CIDG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasakote sa ikinasang operasyon ng Criminal Investigation & Detection Group NCR katuwang ang Securities and Exchange Commission at Presidential Anti-Organized Crime Commission ang 12 Filipino at 8 foreign nationals na sangkot sa umano’y investment scam sa isang hotel sa Makati nitong Linggo.

Nag-ugat ang operasyon makaraang magpasaklolo sa pulisya ang Enforcement and Investor Protection Department ng Securities and Exchange Commission dahil sa umano’y pagkakasangkot ng nasabing kumpanya sa investment fraud.

Sa nasabing operasyon, narekober sa hotel ang investment money at isang USB na naglalaman ng powerpoint presentation ng naturang hindi lisensyadong kumpanya.

Ang mga naarestong suspek ay dinala na sa CIDG-NCR at nahaharap sa paglabag sa RA 8799 (Securities Regulation Code) at RA 11765 (Financial Products and Services Consumer Protection Act).

Kasunod nito, muling nagpaalala ang CIDG sa publiko na ‘wag basta-basta maniniwala sa mga alok na “too good to be true”. | ulat ni Leo Sarne

📷: CIDG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us