Subic freeport, inaasahang magiging abala muli sa pagdagsa ng mga turista lulan ng int’l cruise ships

11 international cruise ships, nakatakdang dumaong sa Subic Freeport matapos ang tatlong taong epekto ng global pandemic. Ayon sa Subic Bay Metropolitan Authority, sinimulan ng Blue Dream Star, isang luxury vessel ang pagdaong sa freeport habang inaasahang mula ngayon hanggang November 21 ang pagdating ng 10 pang malalaking barko lulan ang libu-libong turista. Napag-alaman din… Continue reading Subic freeport, inaasahang magiging abala muli sa pagdagsa ng mga turista lulan ng int’l cruise ships

National Security Council, isusulong na maideklarang terorista ang grupong Hamas

Isusulong ng Anti-Terrorism Council na maideklara bilang terorista ang grupong Hamas. Ito ang inihayag ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año kasunod ng pag-atake ng nasabing grupo sa Israel. Ayon kay Año, bilang pakikiisa sa mga mamamayan ng Israel ay kanilang isusulong na maideklarang terorista ang Hamas sa ilalim ng Republic Act No. 11479, bilang… Continue reading National Security Council, isusulong na maideklarang terorista ang grupong Hamas

DOTr at UNDP, nagbigay ng e-vehicles sa ilang LGUs

Nagbigay ang Department of Transportation (DOTr) at United Nations Development Programme (UNDO) ng mga electric vehicle, EV charging station, at iba pang transport equipment sa mga lokal na pamahalaan ng Pasig, Baguio, Santa Rosa, at Iloilo. Bahagi ito ng hakbang ng DOTr na isulong ang ‘low carbon urban transport systems’ sa Pilipinas. Sa isinagawang turnover… Continue reading DOTr at UNDP, nagbigay ng e-vehicles sa ilang LGUs

PNP, handang magbigay ng libreng sakay para sa mga maiistranded kasabay ng tigil-pasada sa Lunes

Handa ang Philippine National Police (PNP) para sa posibleng epektong dulot ng ikakasang tigil-pasada ng grupong MANIBELA sa Lunes, Oktubre 16. Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo, mayroon naman silang sapat na mga tauhan para umalalay sa mga motorista gayundin sa mga pasaherong maaabala dahil dito. Gagamitin din ng PNP… Continue reading PNP, handang magbigay ng libreng sakay para sa mga maiistranded kasabay ng tigil-pasada sa Lunes

DFA, iminumungkahi ang pagtatatag ng tatlong ‘sea lanes’ ng Pilipinas

Isinusulong ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagtatatag ng tatlong ruta sa karagatan ng Pilipinas na maaaring daanan ng mga dayuhang barko. Sa naging pagdinig ng Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones, sinabi ni DFA Secretary Enrique Manalo na ito ang nagkakaisang posisyon ng executive branch patungkol sa Archipelagic Sea Lanes (ASL)… Continue reading DFA, iminumungkahi ang pagtatatag ng tatlong ‘sea lanes’ ng Pilipinas

Hindi pagpapabilang sa EDSA People Power Revolution sa 2024 Special non-working day list, ipinaliwanag ng Malacañang

Nirirespeto ng Malacañang ang pag-alala sa EDSA People Power Revolution at ang kahulugan ng kaganapang ito. Gayunpaman, pumatak ang February 25, 2024 sa araw ng Linggo kaya’t hindi na ito isinama sa opisyal na listahan ng 2024 special non-working days. Ayon sa Office of the President (OP), mayroong minimal socio-economic impact ang pagdi-deklara ng February… Continue reading Hindi pagpapabilang sa EDSA People Power Revolution sa 2024 Special non-working day list, ipinaliwanag ng Malacañang

World Bank, nagpahayag ng interes na maging ka-partner ng Pilipinas sa iba pang mga oportunidad sa bansa

Nakipagpulong si Finance Secretary Benjamin Diokno kay World Bank Group (WBG) Managing Director for Operations Anna Bjerde sa sidelines ng 2023 World Bank -International Monetary Fund Annual Meeting sa Marrakech, Morocco. Tinalakay ni Bjerde kay Diokno ang ginagawa ngayon ng World Bank upang mapadali ang proseso at execution ng pag-apruba ng mga proyekto. Titiyakin ng… Continue reading World Bank, nagpahayag ng interes na maging ka-partner ng Pilipinas sa iba pang mga oportunidad sa bansa

Pagtitiyak na mabibigyan ng trabaho ang mga uuwing OFW mula Israel, isinusulong ni Sen. Raffy Tulfo

Tiniyak ni Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Senador Raffy Tulfo na nakikipag-ugnayan na siya at ang kanyang opisina sa pamahalaan para masigurong mabibigyan ng trabaho sa Pilipinas ang mga OFW na apektado ng kaguluhan sa Israel. Pinatitiyak na rin ni Tulfo na mabibigyan ng tulong ang mga apektadong Filipino Communities sa Israel kabilang na… Continue reading Pagtitiyak na mabibigyan ng trabaho ang mga uuwing OFW mula Israel, isinusulong ni Sen. Raffy Tulfo

Pilipinas, nakaalerto sa posibleng spillover ng Israel Hamas conflict

Nakaalerto ang mga awtoridad sa bansa sa posibleng spillover ng kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hamas. Sa isang ambush interview sa SMX Convention Center, sinabi ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro na posibleng magsagawa ang mga terrorist group ng kahalintulad na pag-atake hindi lang sa gitnang silangan, kung hindi maging sa… Continue reading Pilipinas, nakaalerto sa posibleng spillover ng Israel Hamas conflict

Dalawang suspek sa “love scam” na nambiktima ng 72-taong biyuda, arestado ng ACG

Naaresto ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) ang dalawang suspek sa “Love Scam” na nambiktima ng isang 72-taong gulang na biyuda mula sa Batangas City. Ayon kay ACG Spokesperson Police Capt. Michelle Sabino nahuli ang babae at lalaking suspek sa entrapment operation sa Las Piñas nitong Oktubre 10. Base sa reklamo ng biktima, nakilala niya noong… Continue reading Dalawang suspek sa “love scam” na nambiktima ng 72-taong biyuda, arestado ng ACG