Pagpasok ng amihan season, mararamdaman na sa katapusan ng buwan – PAGASA

Asahan na ang pagpasok ng amihan season o northeast monsoon sa bansa sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre. Ayon kay PAGASA Specialist 2 Benison Estareja, tapos na ang panahon ng southwest monsoon o habagat at nasa transition period na para sa pagpasok ng amihan. Aniya, sa loob ng isa hanggang dalawang linggo ay mararamdaman na… Continue reading Pagpasok ng amihan season, mararamdaman na sa katapusan ng buwan – PAGASA

Pilipinas, malulugi ng higit P400 billion sa loob ng limang taon kung magpapatuloy ang suspensyon ng reclamation projects

Nasa P432 billion na halaga ng buwis ang mawawala sa pamahalaan kung magpapatuloy ang suspensyon ng reclamation projects sa loob ng limang taon. Ito ang ipinunto ni Ways and Means Committee Chair Joey Salceda, matapos ang isinagawang briefing ng kaniyang komite kasama ang Philippine Reclamation Authority patungkol sa estado ng reclamation projects sa bansa. Matatandaan… Continue reading Pilipinas, malulugi ng higit P400 billion sa loob ng limang taon kung magpapatuloy ang suspensyon ng reclamation projects

Diesel-Electric Submarines, binabalak ng AFP para sa West Philippine Sea

Target ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bumili ng diesel-electric submarines para gamitin sa West Philippine Sea. Ayon kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang plano ay bahagi ng pagrebisa sa Horizon 3 ng AFP Modernization program, upang mabigyan ng kakayahan ang kasundaluhan na mas maprotektahan ang exclusive economic zone… Continue reading Diesel-Electric Submarines, binabalak ng AFP para sa West Philippine Sea

Higit 100 tauhan ng AFP WesMinCom na sumailalim sa random drug test, pasado lahat

Ipinagmalaki ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Mindanao Command (WesMinCom) Commander Major General Steve Crespillo na nakamit nila ang drug-free organization matapos na walang nagpositibo sa paggamit ng ilIgal na droga sa kanilang mga tauhan. Ito’y matapos na sumailalim sa random drug test ang 134 personnel ng WesMinCom. Ito ay pagtalima sa RA… Continue reading Higit 100 tauhan ng AFP WesMinCom na sumailalim sa random drug test, pasado lahat

House Approriations Committee Chair, nais padagdagan ang pondo ng DICT para labanan ang ransomware attacks

Makikipag-ugnayan si House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co sa Senado upang madagdagan ang pondo ng Department of Information and Communication Technology. Ito’y bunsod ng magkakasunod na hacking sa website ng government agencies, pinakahuli ang sa Kamara nitong Linggo. Batid ani Co na nangangailangan ngayon ng pondo ang DICT para tugunan ang paglipana ng ransomware attacks.… Continue reading House Approriations Committee Chair, nais padagdagan ang pondo ng DICT para labanan ang ransomware attacks

EO na nagdedeklara sa ‘Walang Gutom 2027’ bilang flagship program ng administrasyong Marcos, welcome sa DSWD

Welcome sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-iisyu ng Malacañang ng Executive Order (EO) No. 44 na kumikilala sa ‘WALANG GUTOM 2027: Food Stamp Program (FSP)’ bilang isa nang flagship program ng administrasyong Marcos. Sa ilalim ng EO 44, minamandato ng Malacañang ang DSWD na pangunahan ang implementasyon ng FSP. Sa isang… Continue reading EO na nagdedeklara sa ‘Walang Gutom 2027’ bilang flagship program ng administrasyong Marcos, welcome sa DSWD

Ikinasang tigil-pasada ng ilang grupong pang-transportasyon, hindi ramdam —MMDA

Pangkalahatang naging mapayapa ang sitwasyon sa buong National Capital Region o NCR kasunod ng ikinasang tigil-pasada ng ilang transport group. Ito ang pagtaya ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA batay sa kanilang 11am update na kinalap mula sa kanilang mga tauhan sa field. Ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, wala naman silang… Continue reading Ikinasang tigil-pasada ng ilang grupong pang-transportasyon, hindi ramdam —MMDA

Marikina City LGU, nag-umpisa nang maghanda para sa Undas

Sinimulan na ng Pamahalaang Lungsod ng Marikina ang kanilang paghahanda para sa papalapit na paggunita sa All Saints at All Souls Day. Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro, dalawang linggo pa lamang bago ang Undas, nagbaba na siya ng direktiba na linisin at alisin ang mga sagabal sa mga pampubliko at pribadong himlayan… Continue reading Marikina City LGU, nag-umpisa nang maghanda para sa Undas

Nationwide Peace Assembly sa Iloilo, nilahukan ng Philippine Army 3rd Infantry Division

Lumahok ang 3rd Infantry “Spearhead” Division ng Philippine Army sa Multi-Sectoral Nationwide Peace Assembly para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Camp Martin Delgado, Iloilo City ngayong Lunes. Ang aktibidad ay pinangunahan ni 3rd ID Commander Major General Marion R Sison, kasama si Commission on Elections (COMELEC) Region 6 Director, Atty. Dennis Ausan,… Continue reading Nationwide Peace Assembly sa Iloilo, nilahukan ng Philippine Army 3rd Infantry Division

Higit 400 establisyimento na may paglabag sa excise tax regulations, sinalakay ng BIR

Mahigit P604.3 milyong halaga ng excisable perfume and toilet water products ang nasamsam ng Bureau of Internal Revenue sa iba’t ibang establisyimento sa buong bansa. Batay sa ulat, higit 400 establisyimento ang sinalakay ng BIR nitong nakalipas na Setyembre 27 at 28 na pinangunahan ni Commissioner Romeo Lumagui Jr. Lahat ng negosyo ay nakitaan ng… Continue reading Higit 400 establisyimento na may paglabag sa excise tax regulations, sinalakay ng BIR