Presyo ng bigas sa Gingoog City unti-unti ng bumababa

Unti-unti nang bumababa ang presyo ng bigas sa lungsod ng Gingoog sa iba’t ibang klase lokal o imported rice. Base sa obserbasyon, mayroon nang mabibiling local rice sa halagang P50-55/kg at ang mga imported rice ay nasa P56-58/kg. Mayroon ding local rice na P40/kg ang presyo depende na sa klase o variety. Noong unang ipinatupad… Continue reading Presyo ng bigas sa Gingoog City unti-unti ng bumababa

Mas mahigpit na panuntunan sa pagbebenta ng second hand mobiles, ipinapanukala

Itinutulak ni Bicol Saro party-list Rep. Brian Yamsuan na magkaroon ng mas mahigpit na panuntunan ang mga establishimento o sanlaan na bumibili ng second hand na mga smartphone. Layon ng House Bill 7969 na inihain ni Yamsuan kasama si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, na mahinto ang ‘street crimes’ lalo na ang pagnanakaw ng naturang… Continue reading Mas mahigpit na panuntunan sa pagbebenta ng second hand mobiles, ipinapanukala

Mga naging biyahe ni PBBM sa labas ng bansa, nagbunga ng mataas na foreign investment approval — DTI

Pumalo sa ₱427 bilyon ang foreign investment pledges ang naitala ng pamahalaan kaugnay ng mga naging biyahe sa labas ng bansa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa Malacañang briefing, sinabi ni DTI Undersecretary Ceferino Rodolfo na mas mataas ito ng 4.150%. Karamihan ani Rodolfo sa mga investment pledges na nakuha ng Pangulo mula sa… Continue reading Mga naging biyahe ni PBBM sa labas ng bansa, nagbunga ng mataas na foreign investment approval — DTI

17 OFWs mula Israel, nakatakdang dumating bukas — DMW

Nakatakdang magbalik Pilipinas ang may 17 Overseas Filipino Workers o OFW na naipit sa gulo sa Israel bukas, Oktubre 18. Ito ang kinumpirma ng Department of Migrant Workers o DMW bagaman nananatili pa rin sa Level 2 ang alerto sa nabanggit na bansa. Ayon kay DMW Spokesperson Toby Nebrida, kinukumpleto pa nila sa ngayon ang… Continue reading 17 OFWs mula Israel, nakatakdang dumating bukas — DMW

Supermarket at grocery, pinasasama sa mga maaaring paggamitan ng Electronic Benefit Transfer (EBT) cards

Hinimok ng isang mambabatas ang DSWD na aralin ang pag-reconfigure sa Electronic Benefit Transfer (EBT) cards na siyang ginagamit para sa Food Stamp program ng ahensya. Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, dapat ikonsidera ng DSWD na magamit din sa mga supermarket at grocery ang naturang EBT card dahil hindi naman lahat ng lugar sa… Continue reading Supermarket at grocery, pinasasama sa mga maaaring paggamitan ng Electronic Benefit Transfer (EBT) cards

Chinese PLA navy, inakusahan ng AFP ng paglabag sa maritime convention regulations

Lantarang paglabag sa Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea (COLREGS) ang ginawa ng Chinese People’s Liberation Army (PLA) Navy na pangha-harass sa barko ng Philippine Navy sa West Philippine Sea (WPS). Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesman Col. Medel Aguilar kaugnay ng tangkang pagtawid sa harapan… Continue reading Chinese PLA navy, inakusahan ng AFP ng paglabag sa maritime convention regulations

Pagpapabilis ng online registration para sa vehicle registration at license application, ipinag-utos ng LTO Chief

Inatasan na ni LTO Chief Vigor Mendoza II ang mga regional office na pabilisin ang online registration para sa vehicle registration at license application. Naniniwala si Mendoza na makakatulong ito para malutas ang matagal nang problema sa mga fixer. Sinabi ni Mendoza na gagawin din ito pagdating sa online procedure ng pag-apply ng driver’s license.… Continue reading Pagpapabilis ng online registration para sa vehicle registration at license application, ipinag-utos ng LTO Chief

Pananatili ng number coding scheme sa kasagdagan ng tigil-pasada, nagbunga ng magandang resulta — MMDA

Positibo ang naging resulta ng hindi pagsususpinde ng number coding sa Metro Manila sa kasagsagan ng tigil-pasada ng ilang transport group kahapon. Ito ang tinuran ni Metropolitan Manila Development Authority o MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes makaraang ihayag nito na walang naging epekto ang tigil-pasada sa biyahe ng publiko. Sinabi ni Artes, hindi naman… Continue reading Pananatili ng number coding scheme sa kasagdagan ng tigil-pasada, nagbunga ng magandang resulta — MMDA

Pagpapasabog ng IED sa convoy ng gobernador ng Misamis Occidental, kinondena ng AFP

Mariing kinondena ng Western Mindanao Command (WESMINCOM) ang pagpapasabog ng Improvised Explosive Device (IED) na tumarget sa convoy ni Governor Henry Oaminal sa Barangay Lapasan, Clarin, Misamis Occidental nitong Linggo ng gabi. Tinamaan ng pagsabog ang pangalawang sasakyan sa 4 na sasakyang convoy ng gobernador, kung saan siya nakasakay, pero nasa ligtas na kalagayan ang… Continue reading Pagpapasabog ng IED sa convoy ng gobernador ng Misamis Occidental, kinondena ng AFP

Pamilya ng isa pang OFW na nasawi sa pag-atake ng Hamas sa Israel, tinulungan na rin ng DSWD

Agad na nagpaabot na rin ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng ikatlong OFW na nasawi sa pag-atake ng Hamas sa Israel. Ayon sa DSWD, nabisita na ng mga tauhan ng Field Office-6 (Western Visayas) ang mga kaanak ni Loreta Villarin Alacre sa Cadiz City, Northern Negros. Bitbit ng… Continue reading Pamilya ng isa pang OFW na nasawi sa pag-atake ng Hamas sa Israel, tinulungan na rin ng DSWD