2 NPA, patay sa engkwentro sa Negros Occidental

Nanutralisa ng mga tropa ng militar ang dalawang NPA sa engkwentrong naganap sa Sitio Nabalas Dos ng Brgy. Canlusong, EB Magalona sa Negros Occidental. Ito’y matapos ang 15 minutong bakbakan sa pagitan ng mga tropa ng 79th Infantry Battalion sa ilalim ng 303rd Infantry Brigade ng Philippine Army at grupo ng NPA guerilla front, Northern… Continue reading 2 NPA, patay sa engkwentro sa Negros Occidental

Dalawang mall sa Cebu, napiling venue sa pilot testing ng mall voting sa darating na BSKE 2023

Kinompirma ng Commission on Elections Region 7 na tuloy ang mall voting sa dalawang malls sa Cebu matapos mapili ito na kabilang sa mga pilot areas sa bansa na magsasagawa nito. Ayon sa panayam kay Atty. Lionel Marco Castillano, ang regional director ng Comelec-7, napili ang barangay Pari-an sa lungsod ng Cebu at barangay Pitogo… Continue reading Dalawang mall sa Cebu, napiling venue sa pilot testing ng mall voting sa darating na BSKE 2023

Secretariat ng Kamara at Senado, nagpulong bilang paghahanda sa 31st Asia Pacific Parliamentary Forum

Nagpulong na ang Secretariat ng Kamara at Senado para plantsahin ang paghahanda sa gagawing 31st Asia Pacific Parliamentary Forum (APPF). Kung saan ang Pilipinas ang magsisilbing host ngayong taon. Pinangunahan ito nina House Secretary General Reginald Velasco at Senate Secretary Atty. Renato Bantug Jr. Kabilang sa napag-usapan ay ang registration ng APPF member countries kung… Continue reading Secretariat ng Kamara at Senado, nagpulong bilang paghahanda sa 31st Asia Pacific Parliamentary Forum

Pagkuha ng senior high, itinutulak na hindi na maging mandatory

Inaprubahan na ng House Committee on Basic Education and Culture ang panukala na huwag nang gawing mandatory ang pagkuha ng senior high school. Ang naturang substitute bill ng Education Pathways Act ang mag-aamyenda sa K to 12 basic education program. Sa ilalim ng panukala, ang mga junior high school completers ay bibigyan ng opsyon na… Continue reading Pagkuha ng senior high, itinutulak na hindi na maging mandatory

PSA, nagbabala sa di awtorisadong pag-scan ng PhilID at e-PhilID

Pinag-iingat ngayon ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko laban sa hindi awtorisadong scanning ng PhilID o ePhillD. Sa isang pahayag, nilinaw ng PSA na hindi ito nagsasagawa ng anumang aktibidad na may kinalaman sa pag-scan ng PhilID cards o ePhilID, o iba pang uri ng data collection o verification. Ayon sa PSA, hindi ito… Continue reading PSA, nagbabala sa di awtorisadong pag-scan ng PhilID at e-PhilID

Bureau of Immigration, may paalala sa mga nagbalik na OFWs mula Israel

Nagbigay babala ang Bureau of Immigration sa repatriated OFWs mula sa bansang Israel na huwag magpasilaw sa mga trabahong alok upang makapagtrabaho muli sa ibang bansa. Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ginawa nila ang naturang babala dahil target umano dito ng mga sindikato ang mga na-repatriate na mga OFW mula Israel. Dagdag pa ni… Continue reading Bureau of Immigration, may paalala sa mga nagbalik na OFWs mula Israel

Insidente ng hazing na ikinasawi ng estudyanteng si Ahldryn Bravante, kinondena ng QC LGU

Mariing kinondena ng Quezon City Government ang nangyaring hazing sa lungsod na nagresulta sa pagkasawi ng criminology student na si Ahldryn Bravante. Batay sa imbestigasyon ng QCPD, naganap ang initiation rites ng Tau Gamma Phi Fraternity sa isang abandonadong gusali sa Barangay Sto. Domingo sa Quezon City. Sa isang pahayag, sinabi ng QC LGU na… Continue reading Insidente ng hazing na ikinasawi ng estudyanteng si Ahldryn Bravante, kinondena ng QC LGU

Ika-76 na anibersaryo ng Naval Air Wing, pinangunahan ng AFP Chief

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pagdiriwang ng ika-76 na anibersaryo ng Naval Air Wing ng Philippine Navy sa Sangley Point, Cavite City kahapon. Sa kanyang mensahe, pinuri ni Gen. Brawner ang Naval Air Wing bilang isang maaasahan at malakas na pwersa ng Philippine Navy… Continue reading Ika-76 na anibersaryo ng Naval Air Wing, pinangunahan ng AFP Chief

DSWD, handa ring maglaan ng tulong sa pamilya ng nasawing hazing victim na si Ahldryn Bravante

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na tutulungan nito ang pamilya ng nasawing graduating student dahil sa hazing na si Ahldryn Bravante. Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nagbigay na ito ng direktiba sa kanilang field office para mapuntahan ang pamilya ng biktima at mabigyan ito ng tulong pinansyal. Nilinaw ng kalihim… Continue reading DSWD, handa ring maglaan ng tulong sa pamilya ng nasawing hazing victim na si Ahldryn Bravante

KABAYAN Party-list solon, nanawagan para sa agarang pagbubukas ng humanitarian corridor at ceasefire sa Gaza

Nanawagan si House Committee on Overseas Workers Affairs Chair at Kabayan Partylist Representative Ron Salo sa Department of Foreign Affairs (DFA) na gawin ang lahat ng diplomatikong pakikipag-ugnayan para mabuksan ang humanitarian corridor sa Gaza Strip at ligtas na mailikas ang mga kababayan nating naiipit ngayon sa gulo sa pagitan ng Israel at Palestine. Sa… Continue reading KABAYAN Party-list solon, nanawagan para sa agarang pagbubukas ng humanitarian corridor at ceasefire sa Gaza